Editorial March 14, 2020 Summer Season. Tag-init o tag-araw, umaabot ang temperature hanggang 39 degrees o mahigit pa. Sobra ang init,...
March 14, 2020
Summer Season. Tag-init o tag-araw, umaabot ang temperature hanggang 39 degrees o mahigit pa. Sobra ang init, masakit sa balat, masakit sa ulo at sa mata. Kaya naman ang Department of Health (DOH) ay nagpapaalala sa publiko ukol sa mga usong sakit at kondisyon ngayong summer tulad ng sore eyes, sunburn, heat stroke, ubo’t sipon, diarrhea, at pagsusuka, mga sakit sa balat at kagat ng aso o iba pang hayop na maaaring may rabies.
Kasunod ng pagkumpirma ng tatlong bagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas noong nakaraang linggo, idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isang state of emergency sa kalusugan ng publiko at pinataas ng Department of Health (DOH) ang antas ng alerto para sa COVID-19 hanggang sa “Code Red Sub-Level 1. “
Panatilihing malinis an gating pangangatawan at kapaligiran upang makaiwas sa anumang sakit. At upang magkaroon ng tibay ng katawan na panlaban sa sakit, kumain ng masutansyang pagkain – gulay, prutas at isda. Para naman makaiwas sa sobrang init na nakakairita sa ating mga balat, kapag lalabas ng bahay ay palaging magdala ng panaggalang tulad ng paying at sombrero. Magbaon din ng tubig na inumin.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inirerekumenda ng DOH na ideklara ni Duterte ang isang estado ng emerhensiyang kalusugan sa publiko upang “mapadali ang pagpapakilos ng mga mapagkukunan, madali ang mga proseso kabilang ang pagkuha ng mga kritikal na logistik at mga supply, at palakasin ang pag-uulat.”
Ang Seksyon 7 ng Republic Act No. 11332, o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases at Health Mga Kaganapan ng Public Health Concern Act, ay nagsasaad na: “Ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay magpapahayag ng isang State of Public Health Emergency at mapakilos ang gobyerno at nongovernmental mga ahensya upang tumugon sa banta. “
Kung maiiwasan, huwag nang lumabas ng bahay o ng mga workplace mula 10:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon kung kelan santing ang init ng sikat ng araw.
Tandaan: ang kaligtasan ay nasa wastong kaalaman at sap ag-iingat. Kaya nga, making sa mga paalala at palaging mag-ingat.
No comments