Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagbilao LGU, nakahanda na ang tulong para sa mga tricycle at jeepney drivers

By Ruel Orinday March 21, 2020 PAGBILAO, Quezon - Nakahanda na ang pamahalaang lokal ng Pagbilao sa pagbibigay ng tulong sa mga tricyc...

By Ruel Orinday
March 21, 2020



PAGBILAO, Quezon - Nakahanda na ang pamahalaang lokal ng Pagbilao sa pagbibigay ng tulong sa mga tricycle at jeepney drivers na pansamantalang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pagpapatupad ng lockdown at pinaigting na enhanced community quarantine dahil sa banta ng Corona Virus Disease (COVID)-19.

Ayon kay Kagawad Manuel Luna, bukod sa tricycle at mga jeepney drivers, kabilang din sa tatanggap ng tulong ang iba pang mga mahihirap na mamamayan kagaya ng mga construction workers at mga benipisyaryo ng programang "Pantawid" ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kalimitang walang regular na kita o maliit lang ang kinikita kada araw.

"Ang mga senior citizens ay makakatanggap din ng tulong na food packs at mga vitamins na mas kailangan upang lumakas ang resistensiya at makaiwas sa anumang sakit kagaya ng COVID-19", sabi pa ni Kagawad Luna

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Bukod dito, tatanggap naman ng mga protective materials kagaya ng facemask, alcohol at iba pang mga kinakailangan gamit sa pagtupad ng kanilang tungkulin ang mga health workers ng Pagbilao ayon pa sa opisyal.

"Ang mga pasyenteng tatamaan ng COVID-19 kung sakali man ay agad ding tutulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng financial assistance," sabi pa ng kagawad

Inihayag pa ni Luna na ang pondong gagamitin sa pagbibigay ng tulong ay mula sa municipal disaster risk reduction and management trust fund ng bayan ng Pagbilao na hindi nagamit noong taong 2016 at 2017.

Ang paggamit ng nasabing pondo ay base naman sa inaprobahang resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Pagbilao upang makaiwas ang mga lokal na residente ng Pagbilao sa COVID-19. (Ruel Orinday-PIA Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.