Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Panawagan sa mga lahok sa KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko

By Komisyon Ng Wikang Filipino March 21, 2020 LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna - Nananawagan ang Komisyon sa Wikang Filipino para sa mga lahok...

By Komisyon Ng Wikang Filipino
March 21, 2020

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna - Nananawagan ang Komisyon sa Wikang Filipino para sa mga lahok sa KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, isang prestihiyosong parangal para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na nagpamalas ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa kanilang paglilingkod.

Pagtalima ito sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na humihimok sa lahat ng mga kagarawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentalidad ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.

Nagsimula noong 2016, ilan sa mga ilang ulit nang pinarangalan ng Selyo ng Kahusayan ang Korporasyong Pangkoreo ng Filipinas (PHLPOST), Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Taguig.

May iba’t ibang antas ang gawad, mulang una hanggang ikaapat, na sumasalamin sa mataas na paggamit ng Filipino sa serbisyo publiko.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ilan sa mga pagbabatayan ng gawad ang paggamit ng Filipino sa panloob at panlabas na pakikipag-ugnayan ng ahensiya; pagsasalin ng iba’t ibang teksto ng organisasyon gaya ng misyon, bisyon, at gabay ng mamamayan; pagkilos ng binuong Lupon sa Wikang Filipino (LWF); at iba pa.

Mangyayari ang gawad sa Araw ni Quezon sa 19 Agosto 2020. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang Kasaysayan ng Wika: Wika ng Kasaysayan.

Kinakailangan lámang magpadala ng pabatid ang mga ahensiyang nais lumahok. Personal na bibisita ang mga kawani ng KWF para makipagpulong at magsagawa ng ocular.

Tatanggap ang KWF ng mga lahok hanggang 15 Mayo 2020.

Para sa karagdagang detalye, maaaring bumisita sa kwf.gov.ph o magpadala ng email sa komisyonsawika@gmail.com. Maaari ding tumawag sa Sangay ng Literatura at Araling Kultural sa (02)8252-1953. (PIA-4A/KWF)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.