By Ronald Lim March 14, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isa na namang panibagong lying-in center ang pormal na nagbukas sa publiko kam...
March 14, 2020
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isa na namang panibagong lying-in center ang pormal na nagbukas sa publiko kamakailan.
Ito ay matapos na maisagawa ang ribbong cutting ceremony ng Blessing Maternity and Lying-In Clinic na matatagpuan sa bahagi ng Brgy. Ilayang Iyam.
Dumalo sa naturang aktibidad si Mayor Roderick “Dondon” Alcala na tumayong panauhing pandangal dito.
Present rin sa nabanggit na okasyon ang president ng nabanggit na establisyemento na si Dra. Lea Balaga at ang Operations Manager at Administrator na si Dra. Reyce Cristina Laborte.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Sinimulan ang nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng isang misa ng pagbabasbas na pinangunahan ni Father Joey Faller.
At matapos nito ay pormal nang isinunod ang ribbon cutting na naging hudyat sa pormal na pagbubukas nito sa pubiko.
Pinasalamatan naman ng mga opisyales ng lying-in si Mayor Alcala sa pagkakataon na ibinigay nito sa kanila upang dumalo sa nabanggit na aktibidad.
Lubos rin naman ang naging pasasalamat ni Mayor Dondon Alcala sa pamunuaan ng Blessing Maternity and Lying-In Clinic sa ginawang paglalagak ng mga ito ng negosyo sa lungsod ng Lucena.
Ang pagbubukas na ito ng panibagong lying-in clinic sa lungsod ay isang malaking tulong lalo’t higit sa mga nagdadalang tao na may matutunguhan sa oras ng kanilang panganganak at maging sa pagpapatingin ng kanilang ipinagbubuntis at nang kanilang mga anak.(PIO Lucena/ R. Lim)

No comments