Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Programang libreng libing hindi ipinagdadamot ayon kay Mayor Dondon Alcala

By Ronald Lim March 14, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - “Libre pong ipinagkakaloob sa lahat ng mga Lucenahin ang programang libreng lib...

By Ronald Lim
March 14, 2020

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - “Libre pong ipinagkakaloob sa lahat ng mga Lucenahin ang programang libreng libing at hindi poi to ipinagdadamot sa kahit na sino man.”

Ito ang buong pagmamalaki at paglilinaw ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala hinggil sa kumalat na isang post ng netizen tungkol sa sinasabing ipinagdadamot ang programang nabanggit.

Inihayag ni Mayor Dondon Alcala ang pahayag na ito upang magbigay linaw sa naturang usapin.

Ayon kay Mayor Alcala, sa simula nang maupo siya bilang alkalde ay naging parte na ito ng kaniyang programang “from womb to tomb”.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kinakailangan lamang na nakarehistro ang gagamit ng programang nabanggit at kung sakali naman na hindi ito nakarehistro ay kailangan lamang na samahan ito ng kahit na sinong opisyales ng barangay na siyang magpapatunay na ito ay residente ng lungsod.

Buong pagmamalaki rin ng alkalde na ang programang libreng libing ng pamahalaang panlungsod ay mas dinagdagan pa na kung saan ay pinaganda na rin ang gma kabaong ng gagamit nito, bukod pa rin ang libreng tubig, water dispenser at marami pang iba.

Panawagan rin ng punong lungsod sa lahat na maging responsible sa paggamit ng kani-kanilang social media accounts at nawa ay huwag sirain ang mga magagandang programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod na sadyang napapakinabangan ng lahat ng mga mamamayan nito.
Ang ginawang paglilinaw na ito ni Mayor Dondon Alcala ay bilang sagot niya sa kumalat na post ng isang netizen sa isang social media site na kung saan ay sinasabing ipinagdadamot ang progamang nabanggit.(PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.