By Jezrel Gellesania, saktoNEWS March 21, 2020 Si Municipal Health Officer Dr. Jeffrey Roxas ng Taytay, Rizal (photo: nep castillo) ...
March 21, 2020
Si Municipal Health Officer Dr. Jeffrey Roxas ng Taytay, Rizal (photo: nep castillo) |
PINALABAS na sa hospital matapos mag-negatibo sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong patients under observation (PUI) mula sa Taytay sa Rizal Province.
Ayon kay Taytay Municipal Health Officer Dr. Jeffrey Roxas, lumabas na negatibo sa COVID-19 ang resulta ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa tatlo.
“We have three patients who have been admitted to different hospitals. They were tested for COVID-19 at RITM but all of them are labelled negative and discharged already,” ani Roxas.
Samantala, nilinaw din ni Roxas na patuloy ang monitoring ng municipal health office sa mga taong mayroong sintomas ng nasabing virus at lahat naman ng resulta ng mga ito ay negatibo.
“They underwent home quarantine and was monitored by the municipal health office,” ayon kay Dr. Roxas.
Nananatili pa ring COVID-19 free ang buong bayan ng Taytay.
“As of present time, 3 p.m. 13 March, the municipality of Taytay has zero COVID-19 cases,” ani Dr. Roxas.
Inanunsyo ni Dr. Roxas na may itinakda silang hotline numbers kung saan puwedeng tumawag ang mga residente kung may nararamdaman silang mga sintomas.
“We have a public awareness hotline numbers wherein residents can call to report to the municipal health office if they are suffering other symptoms of COVID-19 and if they had travel history from countries that have virus infections,” ani Dr. Roxas.
“So, on 29 January, we received a call from a resident who came from China but he/she was cleared of COVID-19,” dagdag pa ng manggagamot.
Tuloy-tuloy naman ang mga ginagawang hakbang ng municipal health office para magbigay ng sapat na impormasyon ukol sa COVID-19, lalo na sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod para maiwasan ang pagkalat nito.
“It’s a room-to-room lecture, not in a big group activity,” ani Dr. Roxas.
Ayon sa lokal na pamahalaan, kanila ng sinuspinde ang anumang pagtitipon para hindi na kumalat pa ang naturang virus.
No comments