By Jay Lim April 18, 2020 Batay sa mga pagaaral ng mga dalubhasa ang mga tao o mamamayang nasa lugar na madumi ang hangin ay kalimitang...
April 18, 2020
Batay sa mga pagaaral ng mga dalubhasa ang mga tao o mamamayang nasa lugar na madumi ang hangin ay kalimitang madaling kapitan ng impeksyon o sakit sa baga.
Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng mga dalubhasa sa Carnegie Mellon University na nalimbag noong 2018 sa The Journal of Economic History, polusyon sa hangin o maruming hangin na pangunahin ay mula sa mga coal-fired power plants ang pangunahing dahilan kung bakit mataas ang antas ng bilang ng namamatay o mortality rates sa sakit sa impeksyon sa baga tulad ng Spanish Flu pandemic na maraming binawing buhay noong 1918 na lubhang nakaapekto sa Gary, Indiana, USA.
Ang natuklasang ito ng mga dalubhasa ng Carnegie Mellon University ay may malaking implikasyon sa kasalukuyang Corona-19 pandemic kung saan makikita nating ang mga lugar na naging epicenter o tinamaan ng matindi ng COVID-19 tulad ng Wuhan, China; Milan, Italy; at New York City ay may mataas na antas ng air pollution o maruming hangin bago tinaman ang mga lugar na ito ng virus.
Ayon naman sa pahayag ni Karen Clay isang economist mula sa Carnegie Mellon University na namuno sa pagaaral. “Napapanahon na na lutasin ang problema sa pagdumi ng hangin .” upang hindi na lumala pa ang kasalukuyang problema sa pagkakameron ng kasunod pang mga sakit o virus pandemic. Dagdag pa na Clay “Ang tangi na lang nating pagaasa upang maiwasan ang malubhang epekto ng mga virus pandemic ay seryosohin ng pamahalaan ang usapin tungkol sa air pollution.”
Batay sa pahayag ni Juliet Borlon-Aparicio, Area Director ng Tanggol Kalikasan Southern Luzon. “Sa sitwasyon naman ng Pilipinas sa kasalukuyan dito sa ating bansa ay meron po tayong mga batas tulad ng Clean Air Act at iba pang pangkalikasang batas subalit sa kasalukuyan ay hindi ito naipapatupad ng lubos upang maisaalang-alang ang kalusugan ng mga mamamayan na ginagarantiyahan naman ng probisyon sa karapatang pantao ng ating 1987 Constitution.”
Batay naman sa pahayag ni Jonathan Overpeck isang climate scientist sa University of Michigan mas magiging ligtas sa mga sakit o virus pandemics ang mga mamamayan kung papalitan na ang maduming coal o fossil fuels ng malinis na renewable energy.
Lumabas naman sa pagaaral ng Global Data Energy ay bumaba ang antas ng polusyon at green house gas emissions sa buong kontinente lalo na sa mga bansang seryosong nag nagpatupad lockdowns upang hindi kumalat ang Covid-19. Bumaba ang carbon dioxide o CO₂ emissions at bumaba ng 5% ang carbon output ngayong 2020 batay sa tantya ng mga dalubhasa.
Ngunit may pasubaling, hindi rin pangmatagalan o maliit lang ang epekto sa concentration levels ng carbon dioxide sa ating atmosphere sa kabuuan.
Kaya naman ayon pa kay Aparicio hamon pa rin, meron o wala mang mga pandemics o virus mas ngayon ay nararapat na simulan na nating seryosong kumilos upang mapigilan ang lalo pang paglala ng Climate Change at Global Warming…hindi lang para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon kundi ang survival o kaligtasan din natin ngayon.
No comments