Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Higit 163 Million Pesos na halaga ng Proposed Projects ng Tagkawayan sa PRDP inaprubahan

April 17, 2020 Tagkawayan, Municipal Mayor Carlo Eleazar TAGKAWAYAN, Quezon - Humarap si Mayor Carlo Eleazar noong April 15, 2020 ...

April 17, 2020




Tagkawayan, Municipal Mayor Carlo Eleazar



TAGKAWAYAN, Quezon - Humarap si Mayor Carlo Eleazar noong April 15, 2020 sa pamamagitan ng isang video conference sa Philippine Rural Development Project (PRDP) Regional Project Advisory Board (RPAB) upang ipresenta ang nilalaman ng sub-project proposal para sa bayan ng Tagkawayan.

Matapos ang nasabing presentasyon ng proposal ng mga infrastructure projects kasama ang mga inihandang geo-tagged photos, feasibility studies, economic at financial analysis inaprubahan ng RPAB ang kabuuang proyekto na nagkakahalaga ng Php. 163,872,492.91.

Kabilang sa mga kasamang bumalangkas ng nasabing proposal ang tanggapan ng Muncipal Agricuturist, Municipal Planning and Development Office at Municipal Engineering Office.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kasama sa mga barangay na tinukoy na paglalaanan ng pondo para sa Farm-to-Market Roads ang Sta. Monica, Sto. Niño 1 at 2, San Roque, Manato Central, Concepcion (Mangayao) at Manato Station.

Ayon kay Engr. Francis Villanueva, MPDC na Malaking tulong ang higit pang development sa mga daan sa mga nabanggit na barangay para sa interconnectivity ng mga road networks sa lugar na ito papalabas ng Quirino Highway.

Layunin pa ng mga nasabing proyekto kapag naisakatuparan na mapagaan ang buhay ng mga nasa kanayunan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na kalsada ng sa ganun mas madaling maiparating ang mga serbisyong medical at matulungan sila na mas maging accessible ang kanilang mga lugar para sa pagbibigay ng ayuda sa agrikultura na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga kababayan sa mga tinukoy na lugar.

Kasama rin sa mga proyektong nakikita ang higit pang i-develop ang mga potensyal na agricultural area at maging ang pagpapalago sa Aquaculture sa mga tinukoy na lugar. (Tagkawayan Teleradyo)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.