Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Huwag kalimutan ang ibang problema

Eagle's Eye By Lolitz Estrellado April 11, 2020 The World Health Organization (WHO) has declared COVID-19 as a Global Pandemic. Sa...

Eagle's Eye
By Lolitz Estrellado
April 11, 2020

The World Health Organization (WHO) has declared COVID-19 as a Global Pandemic.

Sa Pilipinas, makaraang magpatupad ng community quarantine sa Metro Manila at lockdown sa Luzon, nagsunuran na ang iba pang rehiyon, probinsiya, bayan at lunsod at nagdeklara na rin ng kani-kanilang Total Lockdown ang mga lokal na pamahalaan.

Buong bansa, nakatutok sa COVID-19. Salamat po sa ating mga opisyal.

Pero sana, huwag ding kalimutan ang iba pang problema.

Peace and order. Livelihood. Basura. Education. Crimes, and others.

Ang ating mga kapulisan at sundalo, ay mga frontliners na bayaning maituturing sapagkat 24/7 silang nakatutok sa mga checkpoints. Nagsasakripisyo sila na hindi kasama ang pamilya.

Sana, relyebo sila para mabigyan din ng oras na makatulog, makapahinga. Tao lang din sila, hindi sila robots.

Salamat po sa inyo, mga Sir. God bless you.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




At dahil ang mga pulis at sundalo ay nasa mga checkpoints, nakatutok sa COVID-19, nalingat yata sila sa pagbabantay sa mga pinag-aagawang teritoryo tulad ng West Philippines Sea at Scarborough Riffs.

Habang nagkakagulo ang lahat laban sa COVID-19, ang China ay tahimik na nagtatayo ng kanilang mga military facilities sa naturang lugar.

Baka kamukat-mukat mo, magising ang mga Pinoy na ang Pinas ay nasakop na ang China? God save the Philippines.

Nagtuturuan ang China at ang America kung saan nanggaling ang COVID-19. Sabi ni US President Trump, COVID-19 is made in China. Sabi naman ni Chinese President Xi, ang sundalo ni Trump ang nagdala ng COVID-19 sa Wuhan.

Ang latest, isang US Lawyer diumano ang nag-file na ng 20-Trillion Dollar Suit laban sa China for creating COVID-19 as a Biological Warfare.

Saan kaya ito makakarating? Ano ang kahihitnatnan?  This is the 20-Trillion Dollar Question. God knows the answer. God save the world.

Totoo ba na lifted na raw ang Total Lockdown sa Wuhan? At diumano raw ay nagsasaya na ang mga tao sa China?

Just Asking. Eagle's eye is watching.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.