Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LGU Nagcarlan, mga volunteers nagtayo ng sanitation tent laban sa COVID-19

By Joy Gabrido April 4, 2020 Magkatuwang na nagtayo ang Lokal na Pamahalaan ng Nagcarlan at mga boluntaryong propesyunal na residente n...

By Joy Gabrido
April 4, 2020



Magkatuwang na nagtayo ang Lokal na Pamahalaan ng Nagcarlan at mga boluntaryong propesyunal na residente ng mga sanitation tent bilang dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19. Inisyal na nagtayo ng mga sanitation tent sa mga entrada at labasan ng Pamilihang Bayan ng Nagcarlan ang lokal na pamahalaan at mga volunteer na Nagkarlangin sa ilalim ng proyekto ng SaniTents PH. (Larawan mula kay Mayor Ody Arcasetas)


BAY, Laguna – Magkatuwang na nagtayo ang Lokal na Pamahalaan ng Nagcarlan at mga boluntaryong propesyunal na residente rito ng mga sanitation tent bilang dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19.

Inisyal na nagtayo ng mga sanitation tent sa mga entrada at labasan ng Pamilihang Bayan ng Nagcarlan ang lokal na pamahalaan at mga volunteer na Nagkarlangin sa ilalim ng proyekto ng SaniTents PH.

“This ensures disinfection ng community to fight COVID-19 the proper way. Which is the goal din naman ni SaniTent PH. At saka this helps din iyong nga tao na magkaroon ng disinfection sa labas (ng kanilang mga tahanan) kasi we never know where the virus is,” paliwanag ni Darlene Aizel Bugia, tubong Nagcarlan na Registered Chemist at namuno sa implementasyon ng naturang proyekto.

Ang mga Sanitation Tents ay ginagamit para sa disinfection ng mga tao sa entry at exit point ng isang lugar gaya nga ng palengke kung saan sila unang nagtayo nito.

“I was involved sa project thru SaniTents PH. Sila po kasi iyong gumawa ng prototype and all the testings ng solutions. So basically, all ideas came from them. Nag call out po sila ng chemists na gusto magvolunteer sa kanilang respective LGUs.”

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Bilang boluntaryo sa pagsasakatuparan ng proyekto, naghanap si Bugia ng mga makakatulong niya at sa umpisa aniya ay kaunti lamang ang mga propesyonal na kilala niya sa larangan ng pagiging Chemist.

Naglaon ay nakahanap naman siya ng makakatulong na mga microbiologist, chemical technician at chemical engineer.

Lumapit rin aniya siya sa Municipal Health Officer na si Dr. Cindy Quebrado upang ipaalam ang kanilang plano na magtayo ng mga tent para gamitin sa sanitasyon particular sa palengke kung saan maraming tao ang pumupunta upang mamili.

“Then may FB group kase ang mga taga-Nagcarlan. So, doon kami nag-call out rin ng mga pwede o gustong mag-donate. Sobrang swerte rin namin na ang daming nagrespond kaya mabilis namin nagawa yung tent with the help rin ng high school classmates ko na engineers,” kwento niya.

Si Bugia ang namuno sa grupo at pangunahing nagging responsible sa pag-sisiguro sa kaligtasan ng kanyang mga kasamang mga boluntaryo rin.

Paliwanag pa niya, “Sa akin rin ipinagkatiwala ni Sanitent PH iyong formula for disinfection. Yung mga kasama ko, sa compounding sila at saka implementation rin. Iyong proper way.”

Ang “Compounding” aniya ay ang maramihang paggawa ng solution na gagamitin sa pag-didisinfect.

Malaking bahagi ng pondong ginamit upang maipatayo ang kasalukuyang naka-install na sanitation tents sa bayang ito ay nagmula sa donasyon ng mga kapwa nila Nagkarlangin at ang pondo naman na gagamitin upang masustena ang pagpro-produce ng disinfection solution ay mula sa lokal na pamahalaan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Tents are mostly donated by fellow Nagcarlangin (yung nakainstall ngayon) pero yung pang sustain na solution is sa LGU na.

Balak rin aniya nilang magtayo ng mga kaparehong tent sa Rural Health Unit o RHU at Ospital sa bayan ng Nagcarlan.

Aniya malaki ang bahagi ng SaniTents PH na siyang pinagmulan ng konsepto at kaalaman para matagumpay silang makapagtayo ng sanitation tent sa kanilang bayan.

Nagbigay naman ng paalala si Bugia na kung gagawa ang mga grupo o lokal na pamahalaan sa ibang lugar ng sarili nilang disinfectant solution ay mahalaga na ikonsulta muna ang paggawa nito sa mga ekspertong propesyunal na mas nakakaalam nang tamang pormulasyon nito.

“Or do some research. It would also be better if iyong disinfectants na gagamitin nila, especially sa tao ay ginawa ng mga marurunong talaga,” pinunto niya.

Mahalaga aniya na eksperto ang gagawa ng pormula ng disinfectant para sa tao upang masiguro na ligtas ito na gamitin para sa mga tao.

Ang inisyatibong ito ay isa lamang sa mga patunay nang kahalagahan ng kolaborasyon ng gobyerno, mga indibidwal at pribadong sektor sa pagharap sa krisis na tulad ng nararanasan natin sa ating bansa at buong mundo ngayon. (Joy Gabrido)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.