Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LGU Sta. Maria bumuo ng Task Force Food Security

By Joy Gabrido April 11, 2020 BAY, Laguna – Habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng Cornonavirus Disease...


By Joy Gabrido
April 11, 2020



BAY, Laguna – Habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng Cornonavirus Disease o COVID-19, nagbuo ang Lokal na Pamahalaan ng Santa Maria ng Task Force Food Security epektibo noong Marso 30, 2020.

Sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. CVC-030. S. 2020 na ipinasa ng Lokal na Pamahalaan ng Santa Maria kung saan nabuo ang Task Force o TF Food Security, masisiguro na ang sapat na suplay ng pagkain para sa mamamayan ng naturang bayan.

“Ang purpose ng Task Force Food Security or EO CVC-030 S. 2020 ay upang patuloy na masiguro na may sapat na supply ng pagkain at available para sa mga mamayan ng Santa Maria ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine,” paliwanag ni Mayor Atty. Ma. Rocelle Carolino.

Aniya hindi lingid na sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ ay naapektuhan ang supply ng lahat ng goods saan mang panig ng bansa.

Kasunod na ng sitwasyong ito ang katunayang pag-unti ng mga nabibiling mga produkto na kailangan ng bawat isang mamamayan sa pang-araw araw na pamumuhay.

Sinabi pa ng Alkalde, “ito ay isang common knowledge na natural tendency ng mga tao na makaramdam ng pagkabalisa o panic kung malalaman nila na maaaring maging kapos ang supply o kung may supply man ay hindi available o mataas ang presyo at hindi nila abot-kayang bilhin.”

Kaya naman bilang kasagutan sa napipintong problemang ito ay nagpasya na ang kanilang lokal na pamahalaan na bumuo ng TF Food Security.

Ang TF Food Security ay binubuo ng mga kawani ng Sanguniang Bayan na pinangungunahan ni Vice-Mayor Virginia Tuazon, kasama si Municipal Agriculturist Officer Carlo Sumaria.

Ang pangunahing trabaho ng task force ay ang pagsisiguro nang pagkakaroon ng mabilisang pag-aaral o imbentaryo ng mga produktong maaaring magkulang ang supply sa pamilihan sa bayan ng Santa Maria.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sila rin ang gagawa ng paraan na makoordina sa mga magtitinda at mga supplier kung saan maaaring kumuha ng supply lalong lalo na ng mga produkto na sa ibang lugar nanggagaling tulad ng isda o mga pagkaing dagat.

“Tutulungan nilang madala sa pamilihang bayan ang mga produkto, gulay man o prutas, ng ating mga maliliit na magsasaka na hindi makapagbyahe tungo sa pamilihang bayan. Sisikapin nilang maglunsad ng mobile palengke kung kinakailangan,” sinabi pa ni Mayor Carolino.

Sa pamamagitan ng pag-identify ng mga produktong may malaking posibilidad na magkulang at ng koordinasyon sa mga magtitinda kung saan sila pwedeng kumuha o bumili ng supply upang maging available ang mga ito para sa mga mamayan ng Santa Maria ay masisiguro ng TF Food Security na may sapat na supply ng pagkain sa mga pamilihan.

Nagbigay naman ng mensahe ang butihing Alkalde para sa mamamayang kanyang nasasakupan.

“Lagi po nating isipin na tayo ay dapat laging handang makipagtulungan para sa kaayusan at ikabubuti ng lahat lalo na ngayong tayo ay nakaharap sa isang masidhing problemang nararanasan di lang dito sa ating bayan o bansa kundi sa buong mundo. Kung tayo po ay patuloy na magtutulungan o makikiisa para sa kaayusan at ikabubuti ng lahat nasisiguro ko na matatawid natin ang problemang ito, sa awa ng Panginoon.”

Sa pamamagitan ng hakbanging ito na kinakailangan ang kolaborasyon ng iba’t ibang stakeholder ay inaasahan na mas masisiguro na hindi kukulangin ang suplay ng pagkain sa bayan ng Santa Maria sa kabila ng suliraning dulot ng COVID-19. (Joy Gabrido)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.