By PIO Batangas City April 17, 2020 Sa panahong ito ng COVID pandemic, mahalagang matutong magtanim ng mga gulay sa ating mga bakuran o...
April 17, 2020
Sa panahong ito ng COVID pandemic, mahalagang matutong magtanim ng mga gulay sa ating mga bakuran o kahit sa mga paso upang hindi na ito bilhin pa at makatulong sa food security ng bansa. Magaling din ang gulay para sa kalusugan ng tao upang malabanan ang sakit.
Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Binhi ngayon Pagkain Bukas program ng pamahalaang lungsod ng Batangas, namamahagi ng mga butong gulay na pananim ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa mga barangay kagaya ng mga buto ng petsay, talong, kamatis at kangkong na maari ng anihin sa loob ng isa hanggang dalawang buwan lamang. Ang dami ng butong pananim ay depende sa kahilingan ng barangay at sa lawak ng kanilang pagtataniman.
Ayon sa hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla, pino promote nila ang vertical o urban gardening o ang pagtatanim sa mga paso para sa mga barangay o kabahayan na may limitadong espasyo.
Nakapamahagi sila ng mga pananim sa mga barangay sa Isla Verde, Poblacion at mga karatig barangay.
No comments