By Nimfa Estrellado April 17, 2020 Ang relief team ng Gen. Luna, Quezon habang naghahanda maglakbay patungong Lungsod ng Lucena upang ...
April 17, 2020
Ang relief team ng Gen. Luna, Quezon habang naghahanda maglakbay patungong Lungsod ng Lucena upang maghatid ng mga relief goods mula sa pamahalaang munisipalidad sa mga taga rito na stranded sa kabisera, noong Huwebes, Abril 16, 2020. Ang bawat isa sa mga food packs ay naglalaman ng bigas, mga lata ng sardinas, at pansit. (Photo courtesy of Mayor Matt Florido)
Gen. Luna - Noong Huwebes (April 16, 2020), nagpaabot ng tulong si Mayor Matt Florido ng bayan ng Gen. Luna sa lalawigan ng Quezon sa kanyang mga nasasakupan na stranded dito simula ng ibaba total lockdown dalawang linggo na ang nakalilipas para masupil ang Coronavirus Disease (COVID-19) at ang tumataas na bilang ng naimpeksyon dito.
Ayon sa ulat, nagpadala si Florido ng isang team upang magdala sa kanila ng mga relief goods, bawat pack ay naglalaman ng 10 kg. ng bigas, anim na lata ng sardinas, at anim na pakete ng instant noodles.
Ang mga relief goods, ayon kay Florido, ay nagkakahalaga ng PHP280,000.
Before sending the aid, Florido turned to Facebook in calling out to his townmates to know how many of them are here.
Habang nagpapadala ng suporta, dumulog si Florido sa Facebook upang tawagan ang kanyang mga kababayan para alamin kung ilan ang mga nandirito.
Ang kanyang tagapangasiwa na si Angela Faith Florido, at isang kawani ay walang tulog ng Miyerkules (April 15, 2020) sa kadahilanan tinapos nila ang pag-encode at pagbubukod ng mga pangalan ng mga makakakuha ng relief pack, na may final count na 408 katao.
Bumiyahe ang relief team ni Gen Luna sa Lungsod ng Lucena noong Huwebes (April 16, 2020) ng umaga upang maghatid ng food assistance.
Sinabi ni Florido na maaaring hindi kalakihan ang nasabing food assistance ngunit inaasahan niya na malaki ang maitutulong nito sa mga stranded natives ng kanyang bayan.
No comments