By Ruel Orinday April 11, 2020 PAGBILAO, Quezon - Nakatakdang ilunsad bukas, Abril 7 ng Quezon Poultry and Liverstock Corporation (QPL...
April 11, 2020
PAGBILAO, Quezon - Nakatakdang ilunsad bukas, Abril 7 ng Quezon Poultry and Liverstock Corporation (QPLC) sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang bayan ng Pagbilao ang 'Mobile Chicken Store' sa may likurang bahagi ng munisipyo ng bayang ito.
Ayon sa Pamahalaang lokal ng Pagbilao, sa halagang P100.00, makakabili ng 800 grams hanggang isang kilong manok ang mga mamimili o lokal na residente.
Ang isang mamimili ay maaari lamang bumili ng hanggang tatlong balot na manok kung saan humigit-kumulang sa isang kilo ang isang balot upang mas marami ang makabili ng manok na sinasabing mura o kayang kaya ang presyo.
Ayon sa QPLC, sila ay makapagsu-supply ng 5,000 kilong manok 'per delivery' at mag-iiba ang 'schedule nito depende sa availability ng QPLC.
Ang mobile store ay may kasamang kawani mula sa munisipyo at barangay upang masusing ma-monitor ang enhance community quarantine ID, social o physical distancing bilang ilang mga hakbang upang maiwasang ang pagkahawa sa corona virus disease (COVID-19).
Ang pamahalaang bayan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierren Ann Portes Palicpic ay nagpapatupad din ng social distancing sa pamilihang bayan ng Pagbilao kung saan ang mga mamimili ay naghuhugas muna ng mga kamay at dumadaan sa thermal scanner bago pa man makapasok sa mismong pamilihang bayan upang masegurong ligtas ang mga mamimili sa COVID-19.
Sa ngayon ay nananatiling COVID-19 free ang bayan ng Pagbilao. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)
No comments