Editorial March 21, 2020 Isang kakilala na nasa ibang bansa ang nagmessage,”Hi, Tita, ano nangyayari diyan sa Pinas? Is it under Martia...
March 21, 2020
Isang kakilala na nasa ibang bansa ang nagmessage,”Hi, Tita, ano nangyayari diyan sa Pinas? Is it under Martial Law? Sagot natin, “hindi pa naman under COVID-19 pa lang.”
Sabi ni Senator Tito Sotto ay “OVER REACTION” naman daw ang gobyerno. At marami na ang umaayon sa kanyang sinabi.
Hindi masamang maghigpit sa exists at entries ng mga tao, sa monitoring ng movements, at sa implementasyon ng mga precautionary measures, pero kapag sobra naman, TAKOT na ang hatid nito sa mga namamayan.
Ang isyu rito ay KALUSUGAN at hini ang kung ano pa man. Nasa bawa’t isa na ang pag-iingat, at tulad ng iba pang sakit, marahil ay alam nating lahat na nasa ating mga kamay rin ang kaligtasan o ang pagkapariwara.
Sa nagaganap ngayon na LOCKDOWN sa Luzon, lahat ay bawal, DAPAT SA BAHAY LAMANG, BAWAL LUMABAS, WALANG MASAKYAN, SARADO ANG MGA OUTLETS NG MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN tulad ng GAMOT AT PAGKAIN, wala ng mabiling face mask, alcohol, lysol, mga panlinis at iba pa; paano na ang buhay lalo na ang mga mahihirap?
Ang mga RICH, NAG-PANIC BUYING. Ang mahihirap, nag PANIC lang, kasi, walang perang pam-BUY. Hay buhay talaga.
Sabi ng DOLE, may ayuda silang tig-P5,000 bawat empleyado o trabahador sa public at private companies. Kailangan lang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang employer via on-line. Maganda iyan, sana lang, ay wala nang kung anu-ano pang dokumento ang kanilang hihingin. Ibigay na agad, kung tutuo iyan. Malaking tulong kung ididiretso na agad sa mga dapat bigyan.
Ayon sa isang opisyal ng lokal na city health office, ang COVID-19. Disease daw ay mabilis nga ang transmission, subalit mababa umano ang mortality rate.
Reading between the lines, tila nga raw over naman ang pinaiiral na safety nets.
Tanging Diyos lamang ang nakakaalam sa buong katotohanan.
So help us, God.
Save the Philippines.
No comments