By Joy Gabrido April 11, 2020 BAY, Laguna – Bahagi ng pagsuporta sa laban ng gobyerno sa kinakaharap na pandemyang COVID-19 sa pama...
April 11, 2020
BAY, Laguna – Bahagi ng pagsuporta sa laban ng gobyerno sa kinakaharap na pandemyang COVID-19 sa pamamagitan ng Bayanihan We Heal as One Act, nagbigay ng tulong pinansyal ang PCSO sa ospital ng Lalawigan ng Laguna.
Noon pa man, kasama na sa mandato ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang tumulong sa mga nangangailangan at ngayon ngang kinakaharap ng bansa ang pandemyang Coronavirus Disease o COVID-19 ay patuloy ito sa pagtulong kung saan nagkaloob ito kamakailan lamang ng 2.5 milyong piso sa Medical Center ng Laguna.
“Ang programa ng PCSO para sa RA 11469 o Bayanihan to Heal as One, nagbigay po ang PCSO ng halagang P447 million sa lahat ng mga government hospital sa Pilipinas… ngayong araw po natin nairelease ang P2.5 million pesos para sa Laguna Medical Center,” sinabi ni PCSO Laguna Branch Manager Lady Elaine Gatdula.
Aniya ang halagang nasabi ay gagamitin lamang sa pagbili ng Personal Protective Equipment o PPE at testing kits, at para sa gastusin sa laboratory procedures ng mga pasyente ng COVID-19 base sa Memorandum of Agreement o MOA ng PCSO at Laguna Medical Center.
“Maaaring masundan pa po ito sa iba pang hospital dito sa probinsya ng Laguna. Magkakaroon pa raw po ng second batch.”
Plano aniya nilang magbigay rin ng financial assistance sa Dr. Jose P. Rizal Memorial District Hospital at Ospital ng Biñan.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Maliban pa sa pinansyal na ayuda ng PCSO sa Laguna Medical Center, nagbigay rin ang ahensya ng Patient Transport Vehicle o PTV sa Bay District Hospital, Luisiana District Hospital, at Rural Health Unit o RHU ng Lokal na Pamahalaan ng Victoria upang magamit sa pagdadala ng mga COVID-19 patient.
Mayroon aniyang probisyon ng PTV ang PCSO para sa bawat probinsya sa buong bansa at partikular sa Laguna ay magkakaroon pa ng pangalawang batch ng pamamahagi nito.
“Bukod sa bawat hospital, ang PCSO ay diretsong nagbibigay sa Philhealth. So iyong binabawas na amount sa mga nao-ospital ng Philhealth, part of that ay galing sa PCSO ang pondo,” dagdag pa ni Gatdula.
Mayroon rin aniyang programa ang PCSO na tinatawag na Malasakit Center kung saan makalalapit upang makahingi ng tulong medical ang mga mamamayan.
Ganunpaman, dahil sa hinaharap na suliranin ng bansa dahil sa banta ng COVID-19 ay naudlot ang pagtatayo ng Malasakit Center na ilalagay sa Laguna Medical Center. Ngunit ayon naman kay Gatdula, noon pa man ay nakakapag-bigay na sila ng tulong medikal na nagkakahalagang hindi hihigit sa P10,000 para sa mga indibidwal na mamamayan ng probinsya na lumalapit sa kanilang opisina at ini-endorso ng kanilang mga pampubliko o pribadong ospital.
Nag-uumapaw naman ang pasasalamat ni Laguna Medical Center OIC Chief Judy Rondilla.
“Sa ngalan po ng aming Provincial Governor Hon. Ramil Hernandez, malugod po ang aming pasasalamat sa PCSO sa grants na ibinigay na ibinigay na sa amin na P2.5 million, napakalaking tulong para sa mga COVID patient para mapagsilbihan naming sila.”
Nanawagan naman si Branch Head Gatdula na matapos ang suliranin sa COVID-19 sana aniya ay tangkilikin pa rin ang mga produkto ng PCSO na ibabalik rin ng kanilang ahensya sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga Charity Program nito gaya ng mga nabanggit. (Joy Gabrido)

No comments