Mae Formaran, RP Lucena April 18, 2020 Photos from LGU General Luna GEN. LUNA, Quezon - Ipinamahagi na ng MSWDO ang cash assistance...
April 18, 2020
Photos from LGU General Luna
GEN. LUNA, Quezon - Ipinamahagi na ng MSWDO ang cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program sa may 3,912 na mga benepisyaryo sa bayan ng General Luna Quezon bilang ayuda sa mga naapektuhan ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa bansa.
Sa unang araw na pamamahagi, naka-cluster ang pagbibigay ng tulong upang makatugon sa panawagan sa pagpapairal ng social distancing, maiwasan ang pagkakagulo at maging maayos ang distribusyon.
Inuna ang mga barangay sa poblacion, Brgys 1,2, 3, 4, 5,6,7 at 9, habang tinatapos pa ng DSWD ang assessment nito sa Brgy 8.
Umabot sa P25.428M ang kabuuang pondo na naipagkaloob ng DSWD-SAP sa mga benepisyaryo sa General Luna na kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda, construction workers,kababaihan at iba pa.
Tumanggap din ang 1,840 na miembro ng 4Ps ng tig- P5,150, ang elderly na nasa 1,427ay tumanggap naman ng tig- P3K para sa taong 2019 at tig- P1,500 para sa taong ito.
Ang nasa 210 na agri- rice farmers sa General Luna ay tumanggap din ng P5K na tulong pinansyal.
Sa kabuuan, P10M ang naitulong galing sa pondo ng lokal na pamahalaan habang nasa P42M naman mula sa national government.
Ang bayan ng General Luna ay may 27 barangay at populasyong nasa 26,494 batay sa 2015 census at isang 4th class municipality sa lalawigan ng Quezon.
No comments