Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

TienDAs de Luisiana para sa payak na magsasaka

By Joy Gabrido April 4, 2020 Kaya naman isang magandang pagtugon sa suliraning ito ang programang itinaguyod ng Office of the Municipal ...

By Joy Gabrido
April 4, 2020


Kaya naman isang magandang pagtugon sa suliraning ito ang programang itinaguyod ng Office of the Municipal Agriculturist ng Lokal na Pamahalaan ng Luisiana sa probinsya ng Laguna na tinatawag nilang TienDAs de Luisiana o TDL.Ang TienDAs de Luisiana ay layong tulungan ang mga lokal na magsasaka, lalo na ang mga hindi ganoon kalaki at kalawak ang mga lupain at taniman, sa pagbebenta ng mga ani nila tulad ng gulay at prutas. (Larawan mula sa Luisiana Municipal Agriculturist)


Marami tayong mga maririnig at mababasa sa iba’t ibang uri ng media, telebisyon man, radyo o social media na mga pagkilala para sa ating mga frontliners na sila ang mukhang humaharap sa hamon ng pandemyang coronavirus disease o COVID-19 sa kasalukuyan.

Ngunit dapat rin na mamulat tayong mga Pilipino na may mga kababayan tayong tahimik na kumikilos sa likod nang lahat ng mga nangyayari para naman masiguro na tayo ay may ipanglalaman sa ating tiyan.

Ang tinawag nating mga backliner, sila ang ating masisipag na mga magsasaka.

Ito ay dahil hindi man sila ang harapang tumutulong na malunasan ang mga maysakit dahil sa virus, sila naman ang sumisiguro na hindi mamamatay sa gutom ang mga mamamayan sa likod ng labang kinakaharap natin dahil sa COVID-19 at habang sumasailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang buong Luzon.

Ganunpaman, alam natin na wala pa man ang pandemya ay isa nang pagsubok para sa ating magsasaka kung paano sila magkakaroon ng sapat at makatarungang kita sa kabila ng kanilang pagpapagal.

Karamihan sa ating mga payak na magsasaka ay binabarat ng mga traders o middlemen na may kakayahang magdala ng mga kalakal na produkto sa mga pamilihan.

Ang TienDAs de Luisiana o TDL ay programa ng pamahalaang bayan ng Luisiana, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, na layong tulungan ang mga lokal na magsasaka, lalo na iyong ang mga hindi ganoon kalaki at kalawak ang mga lupain at taniman, sa pagbebenta ng mga ani nila tulad ng gulay at prutas.

Inilunsad ang naturang programa noong ika-20 ng Setyembre, 2019, at isinasagawa tuwing Biyernes, ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Higit naman na nakatulong ang programang ito sa kasalukuyang kinakaharap nating sitwasyon dahil sa COVID-19, kung saan nagkaroon ng suspensiyon ng mga pampublikong transportasyon at may higit na pangangailangan sa access sa pagkain ang mga mamamayan dahil sa ECQ.

Bagaman pinahihintulutan naman ang tuloy tuloy na transportasyon ng esensyal na mga produkto kasama na ang mga produktong agrikultural ay mahirap pa rin ito para sa ating mga magsasaka.

“Dahil sa hindi madaling transportasyon ng gulay at iba pang produktong agrikultural dahil sa ECQ, ang TDL ay nakakatulong sa mga magsasaka na patuloy na ma-konsumo ang kanilang ani, lalo kung ito ay malawakang taniman na. Gayundin, nasisigurado ng pamahalaan na mayroong maaaring bilhan ang mamamayan ng Luisiana ng sapat at murang gulay at prutas,” paliwanag ni Municipal Agriculturist Engr. Christine Mae Roguel.

Ayon pa sa kanya, layunin ng TDL na matulungan na magkaroon ng dagdag kita ang mga magsasaka sa Luisiana at gayundin ay mabigyang pagkakataon ang mga mamimili na magkaroon ng access sa ligtas at murang presyo ng gulay at prutas.

“Ito rin ay programa upang mahikayat ang mga mamamayan ng Luisiana na magtanim kahit pailan-ilan lamang.”

Sa panahon ng krisis gaya sa ngayon ay mas makikita nga naman natin na malaking tulong ang mayroong sariling pananim, dahil magkaroon man ng kakulangan sa suplay na mabibili sa mga pamilihan ay may makakain pa rin mula sa mga tubong tanim.

Malaking kaalwanan rin ito sa mga payak nating mga magsasaka dahil nawawala ang mga “traders o middleman” sa sistemang mayroon ang TDL, kaya naman ang presyo ng gulay at iba pang produktong kanilang tinitinda ay abot-kaya.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Noong hindi pa sumasailalim sa ECQ ang Luzon, lahat ng paninda sa TDL ay galing lamang sa Luisiana. Ngunit noong nagkaroon ng ECQ, may ilang paninda tulad ng sibuyas at bawang na nagmumula sa trading posts ng mga kalapit bayan dahil wala namang nagtatanim noon sa Luisiana,” kwento ni Engr. Roguel.

Binuksan rin aniya ang TDL sa mga magsasaka mula sa mga kalapit na bayan ng Luisiana upang magkaroon ng mga suplay ng gulay at prutas na hindi makukuha sa kanilang bayan.

Oportunidad rin ito sa mga magsasaka mula sa ibang bayan para kumita.

Ang mga pinahihintulutang mag-sabay sa loob ng TDL area ay tatlo hanggang limang tao lamang.

Bago naman pumasok, may nag-i-spray ng disinfectant alcohol sa kamay ng namimili at nagche-check ng valid na quarantine pass nila. Pagkatapos mamili ay mayroon ring nag-i-spray ng alcohol sa kamay ng namimili.

Ang mga nagtitinda naman ay pinagsusuot ng surgical gloves para sa dagdag na pag-iingat.

“Sa ngayon, isinasagawa na ang TDL tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Ang TDL ay tuluy-tuloy na programa ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor kahit matapos na ang ECQ ngunit maaaring bumalik ito sa dating schedule na tuwing Biyernes lamang,” sinabi niya.

Isa ito sa mga huwarang programa ng lokal na pamahalaan na malaking tulong di lamang sa mga magsasaka na nadagdagan ang kita dahil direktang naibebenta ang kanilang produkto kundi nakakatulong rin sa mga mamamayan na mas mura naman ang mabiling gulay at prutas.

Lahat ay makikinabang sa mga programang gaya ng TienDAs de Luisiana lalo na sa panahon ng krisis na kinakaharap nating mga Pilipino ngayon. (Joy Gabrido)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.