May 28, 2020 Tuloy tuloy ang ayuda ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa mga residente ng barangay Cuta at Malitam habang nasa ilalim ...
Tuloy tuloy ang ayuda ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa mga residente ng barangay Cuta at Malitam habang nasa ilalim ng hard lockdown ang mga ito hanggang bukas, May 28, 1:00 PM.
Bukod sa mga prutas at itlog, pinadalhan rin ni Mayor Beverley Dimacuha kahapon, May 26, ng arroz caldo na may itlog, manok at malunggay ang mga residente.
Champorado at paborita naman ngayong Miyerkoles at bukas ay magpapadala ng sopas.
Ang mga pagkaing ito ay inihahanda ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) bilang bahagi ng Magkatuwang Tayo Kusina project.
Ayon sa hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla, nagluluto sila simula 4:00 ng umaga para sa may 5,900 households sa dalawang barangay kung saan katulong nila sa pamamahagi ng mga pagkain ang, Mayor's Action Center (MAC), mga opisyal ng barangay, KALIPIat ilang namumuno sa mga sitio dito (PIO Batangas City)
No comments