By Sentinel Times Staff May 15, 2020 Nag-apela ang Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla sa IATF-EID upang isaalang-alang ang desisyon...
May 15, 2020

LUNGSOD NG BACOOR, Cavite - Sumulat si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla sa Inter-Agency Task Force sa Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Disease (IATF-EID) upang masuri ang general quarantine (GCQ) status ng lungsod na epektibo ngayon Sabado (May 16, 2020).
Ang hakbang na ito ay ginawa sa payo ng Bacoor City Health Office at mula sa konsultasyon kasama ang Bacoor COVID-19 Task Force sa pinakabagong data sa mga kaso ng COVID sa lungsod na kinilala ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Sinabi ni Mayor Lani na, "To date, there are 200 COVID tests made to Bacoor patients with results that are still pending. We need to see the results of these tests before we can open up. We could not take the risk if ever most of these patients tested positive and we are already on GCQ."
"Ang Bacoor ay halos Metro Manila na - kapitbayan ang Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, at Parañaque. We are the bedroom of Metro Manila. Dahil diyan, tayo ay may pinakamaraming active COVID-19 infections sa buong probinsiya na bumibilang sa 93 confirmed cases. Sa 93 confirmed cases na ito, 40 and active cases at 17 dito ay mga Hospital staff at Health Care workers sa NCR," dagdag pa ng Mayor.
Ipinagpalagay ng Mayor na kung ang mga kalapit na lungsod ay idineklara sa ilalim ng MECQ, nararapat lamang na ilagay ang Lungsod ng Bacoor sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Sinabi niya na ang dalawang buwan ng sakripisyo sa ilalim ng ECQ ay mawawala ng saysay kung ang lungsod ay lilipat sa GCQ kaagad, hinihingi niya ang pasensya at pang-unawa ng lahat dahil mas mainam na maging maingat at matukoy para tiyak na ligtas na lumipat na sa GCQ at sundin ang Bagong Normal.
Sa pulong ng Cavite Mayors League kahapon, inihatid ni Mayor Revilla ang letter of appeal kasama si Cavite Governor Jonvic Remulla, upang pagdesisyunan ng IATF. (with reports from the official statement of Mayor Lani Mercado-Revilla's FB page)
No comments