By Nimfa Estrellado May 21, 2020 Cavite Governor Jonvic Remulla (Photo from Cavite Governor Jonvic Remulla Facebook Page) TRECE MARTI...
May 21, 2020

Cavite Governor Jonvic Remulla (Photo from Cavite Governor Jonvic Remulla Facebook Page)
TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Pormal ng sumulat sa tanggapan ni Health Secretary Francisco Duque III si Cavite Governor Jonvic Remulla para sa pagsasaalang-alang sa 'Couples Pass' ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID).
Binigyang diin sa sulat ang pang-araw-araw na mga kinakaharap na paghihirap na dala dala sa panahon ng krisis ng COVID-19 sa buhay ng mga tao at sa ekonomiya dahil sa mahigpit na limitasyon sa paggalaw at ng mga kalakal sa lalawigan.
Ang pagbabago mula sa ECQ tungo sa GCQ ay may ipinangakong bahagyang kabutihan para sa mga empleyado at mga manggagawang impormal, gayundin sa mga may-ari ng negosyo sa pagsisimula ng kanilang operasyon. Ang publikong transportasyon ay dahan-dahang bumiyahe na muli na may kaakibat na regulasyon na nagpapahintulot sa paglalakbay ang social distancing ay sundin.
Sa pampublikong transportasyon, ilang mga LGU ang tumigil sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga residente at empleyado habang ang mga pabrika at lokal na industriya ay hindi na rin nagbibigay ng mga shuttle servie sa kanilang mga manggagawa.
Ang pagpunta sa trabaho ay naging mas mabigat sa bulsa dahil sa mataas na pamasahe na itinakda ng mga TODA at JODAI.
Ito ang naging kumosyon para isaalang-alang ang mga backride sa mga solong motorsiklo o ang 'Couples Pass' ang sulat ng apela ni Gov. Remulla para ipasa.
Binigyang diin ng gobernador na nauunawaan niya ang patakaran ay may scientific na basehan ngunit ipinahihiwatig ng sentido kumon at praktikal na ang mga mag-asawa na naninirahan sa ilalim ng parehong bahay, at ang pagbabahagi ng parehong kama ay pinahihintulutan na sumakay sa parehong motorsiklo hanggang sa pagsakay sa pareho sa mga naka-aircon na mga kotse.
Nakiusap si Gobernador Remulla, "I hope that you could reconsider this policy. If we in the government could not truly take care of them during this crisis, I presume that we could at least lessen the burden by allowing them to be able to travel peacefully together." (with reports from Gov. Jonvic Remulla FB Page)
No comments