By Nimfa Estrellado May 25, 2020 Photo from Guinayangan Stan Facebook Account GUINAYANGAN, Quezon - Isandaang mamamayan sa Guinay...
May 25, 2020
Photo from Guinayangan Stan Facebook Account
GUINAYANGAN, Quezon - Isandaang mamamayan sa Guinayangan, Quezon ang naabutan ng tulong sa pamamagitan ni Congw. Dra. Helen Tan, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), matapos maapektuhan ng Luzon lockdown na ipinatupad para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) ang kanilang mga hanapbuhay, ayon sa naibahagi na post ng Guinayangan Stan sa kanilang account sa Facebook.
Sa ilalim ng CAMP, ang formal workers ay makakatanggap ng isang beses na cash aid na P5,000.
Ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD), ay isang community-based (municipality / barangay) package assistance na nagbibigay ng emergency na trabaho para sa mga displaced workers, underemployed, and seasonal workers, na natatagal ng 10 araw at hindi lalampas sa 30 araw, depende sa likas na katangian ng trabaho na isasagawa.
Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD), ang mga napiling informal worke ay magtatrabaho sa loob ng 10 araw sa disinfection at sanitation. Makakatanggap sila ng isang minimum na sahod.
Sa tala ng DOLE noong April 6, ang kabuuang bilang ng mga manggagawa na naapektuhan ng lockdown ay nasa 714,864 na.
No comments