May 28, 2020 BATANGAS CITY - Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) ang “Magkatuwang...
BATANGAS CITY - Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) ang “Magkatuwang tayo, Telemedicine” na isang libreng- online consultation para sa mga may sakit upang hindi na sila pumunta sa ospital o clinic kung saan maari silang mahawa ng Covid -19.
Nagsimula ngayong araw na ito, May 28, ang proyekto sa hangarin ni Mayor Beverley Dimacuha na magkaroon ng mabilis na access sa mga healthcare services ng CHO ang mga residente ngayong panahon ng community quarantine.
Maaring magpakonsulta online ang mga pasyente na may mild to moderate symptoms ng anumang karamdaman.
Binibigyang prayoridad ng proyekto ang mga bata kung saan tuwing araw ng Lunes, Martes at Miyerkules, 9:00 ng umaga, ay pediatrics consultation at ang mga matatanda na pwedeng magpakonsulta sa internal medicine tuwing Huwebes at Biyernes, 9:00 ng umaga.
Para makinabang sa online consultation, mag log on lamang sa http://www.batangascity.gov.ph/CHO/telemedicine/… (PIO Batangas City)
No comments