By Ruel Orinday May 23, 2020 PAGBILAO, Quezon - Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Pagbilao sa mga empleyado at mga lokal na residen...
By Ruel Orinday
May 23, 2020
PAGBILAO, Quezon - Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Pagbilao sa mga empleyado at mga lokal na residente na nauukol sa pag-iisyu ng travel pass na kailangan upang makapunta sa lungsod ng Lucena upang bumili ng gamot o kaya naman ay magtungo sa mga bangko.
Sa flag raising ceremony noong Mayo 18, sinabi ni Mayor Shierre Ann Portes, kailangang kumuha ng travel pass ang sinumang residente ng bayan ng Pagbilao sa tanggapan ng punong bayan kung pupunta sa lungsod ng Lucena upang bumili ng gamot at kung may mga transaksiyon sa alinmang bangko sa lungsod ng Lucena.
Ayon pa sa alkalde, may itinalagang araw din ang pagtungo sa lungsod ng Lucena, tuwing Martes at Huwebes base sa EO No. 10. pages 6 of 7 na inilabas ng pamahalaang panglungsod ng Lucena.
"Kung walang travel pass ay hindi basta-basta makakapasok sa lungsod ng Lucena sa mga nasabing araw sapagkat maaaring harangin at hindi palampasin sa mga checkpoints," sabi pa ng alkalde
Samantala, ayon pa sa alkalde, exempted naman sa pagkuha ng travel pass ang mga tinatawag na "Authorized Persons Outside Residence (APOR) kagaya ng mga medical health workers/frontliners gayundin yaong may mga emergency medical cases.
Para naman sa mga nagnanais na lumipat ng tirahan kagaya ng paglipat sa bayan ng Tiaong mula sa bayan ng Pagbilao ay kailangang humingi ng travel authority mula sa Quezon Police Provincial Office, Camp Nakar Lucena City at kung mas malayo o sa ibang bayan na sakop ng ibang rehiyon ay kailangang kumuha ng travel authority sa PNP-4A Regional Office.
"Kung hindi kukuha ng travel authority at walang maipapakitang mga papeles sa mga checkpoints na dadaanan ay hindi umano palalampasin ng mga pulis na nasa checkpoints," sabi pa ni Mayor Palicpic
Sa ngayon ang bayan ng Pagbilao ay nanatiling COVID-19 free at wala pang nangyayaring local transmission ayon pa sa alkalde. Bukod dito, mahigpit pa ring ipinatutupad sa bayang ito ang mga precautionary measures kagaya ng social distancing sa mga publikong lugar at mga passenger jeepney at tricycle, curfew hours, paggamit ng facemask at iba pa upang makaiwas ang mga lokal na residente sa sakit na COVID-19. (Ruel Orinday/PIA-Quezon)
No comments