Editorial May 26, 2020 Ayon sa pagtaya ng PAGASA, bago matapos ang buwan ng Mayo o sa mga unang linggo ng Hunyo ay papasaok na ang pan...
May 26, 2020
Ayon sa pagtaya ng PAGASA, bago matapos ang buwan ng Mayo o sa mga unang linggo ng Hunyo ay papasaok na ang panahon ng tag-ulan kasabay pa ng pagbubukas ng klase. Kawawa naman ang mga estudyante.
KAYA, DAPAT AY PAGHANDAAN ANG TAGULAN.
Ayon pa rin sa PAGASA, hindi pa naman tapos ang tag-init, kaya may panahon pa para paghandaan ang tagulan.
Ang mga Pilipino naman kasi ay "sala sa init' sala sa lamig." Kapag mainit, nagrereklamo pa rin.
Dapat unawain, na ang dalawang iyan ang uri ng panahon sa Pilipinas.
Kaya dapat nating tanggapin na bigay pa rin iyan ng Diyos. Kalikasan iyan at kung may kaakibat na kapinsalaan ay tiyak na mayroon ding kapakinabangan.
Ang kapinsalaan ay dapat paghandaan; ang kapakinabangan ay gamitin nang husto para sa kagalingan.
Kapag tag-ulan, masaya ang mga magsasaka. Pabor sa mga pananim, maganda ang aasahang ani. Kapag tagulan, malamig ang panahon, steady ang supply ng tubig, maayos ang produksyon ng elektrisidad, mababa ang konsumo sa mga bahay-bahay kaya mababa rin ang I bayarin sa kuryente.
Kapag tag-ulan, palaging basa at maputik ang daan, palaging may baha, hindi makalabas ng bahay ang mga I tao. Uso ang sipon, lagnat, ubo at iba pang sakit.
Paano paghahandaan ang mga kalamidad na dulot I ng tag-ulan? Maglinis ng buong paligid, partikular sa mga estero, kanal at daluyan ng tubig-siguruhing walang barang mga basura para makaiwas sa baha.
Huwag lumabas ng bahay kung umuulan; at magdala ng payong o kapote kung lalabas naman.
Maraming dapat gawin upang mapaghandaan ang pagpasok ng tag-ulan.
No comments