Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Programang magbibigay ng hanapbuhay, rumatsada na sa Laguna

By Rachel Joy Gabrido May 28, 2020 Pagsasagawa ng body temperature checking bago pumasok sa Laguna KADIWA store. (Larawan mula sa FAES-...

By Rachel Joy Gabrido
May 28, 2020


Programang magbibigay ng hanapbuhay, rumatsada na sa Laguna
Pagsasagawa ng body temperature checking bago pumasok sa Laguna KADIWA store. (Larawan mula sa FAES-OPAG Laguna)


BAY, Laguna - Upang masiguro ang kabuhayan ng mga maliliit na mamamayan sa panahon ng pandemya, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ang programang Ratsada Hanapbuhay noong Mayo 21, 2020.

Sa ilalim ng programang Ratsada Hanapbuhay, binuksan ang Laguna KADIWA store sa Laguna Agriculture Trading Center o LATC, Calauan, Laguna kung saan maibabagsak at maibebenta ng mga magsasaka ang kanilang mga produktong agrikultural nang direkta sa mga mamimili.





“Ngayong termino ni Gobernador Ramil Hernandez kasi ang priority namin ang livelihood kaya kami sa Provincial Government of Laguna, Office of the Provincial Agriculturist, at iba pang mga tanggapan ay bumuo ng konsepto na tutukoy sa pagbibigay ng dagdag kita at kabuhayan sa mga kababaihan, at magsasaka’t mangingisda,” pahayag ni Provincial Agriculturist Marlon Tobias.

Ayon sa Provincial Agriculturist, magkakaroon na ng araw-araw na operasyon ang naturang KADIWA store mula Lunes hanggang Biyernes nang ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.





Para naman sa kaligtasan ng mga mamimili at magtitinda ay pinatutupad sa KADIWA store ang mga panuntunang pangkalusugan gaya ng polisiya na “no face mask, no entry,” social distancing, pagsusuri ng body temperature at hand sanitation bago pumasok sa pamilihan.

Mag-iimbita rin aniya ang kanilang opisina sa mga Homeowners Association na nais makiisa at magkaroon ng KADIWA store sa kani-kanilang lugar.

Maliban pa rito, sa ilalim pa rin ng Ratsada Hanapbuhay ay magsasagawa rin ng KADIWA on Wheels na isang lokalisasyon ng programa ng Department of Agriculture o DA.

Ang Laguna KADIWA on Wheels ay araw-araw aniyang tutungo sa iba’t-ibang mga lugar sa probinsya upang maihatid ang mga lokal na produktong sariwa, maganda ang kalidad at abot-kaya ang halaga.

“Magkakaroon rin ng Laguna KADIWA Pabili na may minimal delivery charge na ang magdedeliver ay ang mga displaced tricycle operators na ang lahat ng supply ay mag-mumula sa Laguna KADIWA bagsakan center dito sa Calauan,” pagbabalita ni Tobias.



Truck na gagamitin para sa Laguna KADIWA on Wheels. (Larawan mula sa FAES-OPAG Laguna)



Sa pamamagitan ng Laguna KADIWA Pabili ay makatutulong nang maiwasan ang paglabas ng mga tao na isa sa kinakailangang gawin upang mapigil ang pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19, makakapag-bigay pa ito ng alternatibong trabaho sa mga miyembro ng TODA.

Ipinaliwanag ni Tobias na ang Laguna KADIWA: Ratsada Hanapbuhay ay isang bagong konsepto na binuo nang naaayon sa sitwasyong dulot ng pandemyang COVID-19.

Binigyang diin niya na ang programa ay pinondohan at inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan kung saan magkakaroon ng mga pagsasanay ang mga target partners sa ibat-ibang larangan at bibigyan sila ng mga starter kits.

“Nakita kasi namin na lumobo ang presyo ng pagkain kasi nadagdagan ang player ng supply chain (kasama na) iyong mga nag-oonline selling, nag-talipapa at nag-tinda on wheels at limitado ang kilos at pag labas ng mga tao,” pahayag niya.

Aniya may mga sektor na lubhang apektado dahil sa pandemya kaya naisip ng kanilang opisina na maaari silang matulungan sa pamamagitan ng ganitong programa.

“Under sa Kadiwa ng DA dapat ay mga Civil Society Organisation at mga grupo ng magsasaka pero dito sa bersyon namin ng Ratsada Hanapbuhay ay kasama pa rin ang mga samahan ng home owners at iba pang individual bilang manininda at mga magsasaka bilang supplier.”

Dagdag pa ng Agrikultor, ang tiyak na maitutulong ng Ratsada Hanapbuhay ay ang pagbibigay ng ‘alternative market’ na mas mura ang bilihan, tiyakang pagdadalhan ng kalakal ng mga magsasaka, at ang pagbibigay ng alternatibong pagkakakitaan para sa mga Tricycle Owners and Drivers Association o TODA. (Joy Gabrido)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.