By Quezon - PIO May 16, 2020 Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga bayan at Lunsod sa ikalawang di...
May 16, 2020
Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga bayan at Lunsod sa ikalawang distrito. Kung saan ay kaisa ng Ama ng ating Lalawigan Governor Danilo E. Suarez sina Vice Governor Sam Nantes, Board Members Romano Franco Talaga, Yna Liwanag, Beth Sio at Boyet Boonggaling.
Magkakasama silang nagtungo sa bayan ng Sariaya at personal na ipinagkaloob ang mga relief food packs, health coupon at binhing pananim na tinanggap ni Mayor Marcelo Gayeta upang tugunan ang nararanasang krisis dahil sa umiiral na ECQ dulot ng COVID-19.
Sunod namang binisita ng grupo nina Governor Suarez ang Candelaria Medicare Hospital, Peter Paul Hospital at Candelaria Doctors Hospital upang bigyan ng pagpupugay ang mga medical health workers sa naturang pagamutan na nangungunang makipaglaban sa banta ng COVID-19.
Gayon din ay agad naman silang nagtungo sa isang covered court sa Candelaria at ipinamahagi ang mga relief food packs, health coupon at binhing pananim para sa mga residente ng nabangggit na bayan na personal namang tinaggap ni Mayor Macky Boonggaling.
Habang, muling tumulak pabalik ng Lunsod ng Lucena sina Governor Danilo E. Suarez kasama pa rin sina Vice Governor Sam Nantes, Bokal Romano Franco Talaga at Bokal Yna Liwanang, Bokal Beth Sio at personal na iniabot kay Mayor Dondon Alcala at mga Barangay Kapitan ng nabanggit na Lunsod ang ayudang relief food packs at health coupon para sa mga Lucenahin.
Nagkaroon din umano ng lagdaan sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lucena United Doctors Hospiptal (LUDH), City Government of Lucena at Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon kaugnay sa umano’y pagkakatalaga sa naturang pagamutan bilang testing lab.
Samantala, nang sumunod na araw ay muling tumulak muli sa ilan pang bayan sa ikalwang distrito ang grupo nina Governor Danilo E. Suarez
Kung saan personal na sinalubong ang grupo nina Governor Suarez ni San Antonio Mayor Erick Wagan upang tanggapin ang ayudang relief food packs, health coupon at binhing pananim para sa mga mamamayan ng kanyang nasasakupan na apektado ng krisis dulot ng COVID-19.
Sunod namang tumulak ang pwersa ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan ng Tiaong na pinamumunuan ni Mayor Ramon Preza at ipinagkaloob ang mga tulong para sa mga residente ng naturang bayan at ipamamahagi sa bawat barangay.
Nagtungo rin sa bayan ng Dolores sina Governor Suarez kaisa pa rin si Vice Governor Nantes, Bokal Talaga, Bokal Liwanag, Bokal Sio at Bokal Boongaling para dalhin ang ayuda ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga mamamayan ng Dolores.
Gayon din ay bumisita naman si Governor Danilo Suarez sa St. Anne General Hospital at Lucena United Doctors Hospital upang ihatid ang munting handog sa mga medical frontliners na tumutugon sa kanilang tungkulin sa kabila ng panganib na kanilang sinusuong upang labanan ang banta ng COVID-19 sa ating Lalawigan.
Sa ngayon ay handa namang umagapay ang Provincial Government sa ating mga frontliners at mamamayan ng Probinsya upang malampasan ang krisis na kinakaharap ng ating Lalawigan ngayong may panahon ng pandemic.
No comments