By Quezon - PIO May 17, 2020 Ibinaba sa ilang bayan sa ikatlong distrito ng Lalawigan ang TUPAD Program na unang isinagaswasa bayan ...
May 17, 2020

Ibinaba sa ilang bayan sa ikatlong distrito ng Lalawigan ang TUPAD Program na unang isinagaswasa bayan ng Agdangan, Quezon sa inisyatibo ni 3rd District Congresswoman Aleta Suarez kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuni ni Governor Danilo E. Suarez.
Kung saan dahil sa nararanasang krisis sa ating Probinsya dulot ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 may ilan sa ating mga kababayan ang hirap kumita at ang ilan ay nawalan pansamanta ng hanap buhay.
Kaya ang ilan ay umaasa sa ayuda at tulong mula sa ating Pamahalaan at may iba na di napabilang at napagkalooban ng ayuda na Social Amelioration Program (SAP).
Habang agad namang nagkaloob ng tulong si Congw. Suarez sa mga disadvantage o displaced workers na ngayon ay pansamantalang pagkakalooban ng sweldo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng mga Congressmen kapalit ng paglilinis ng kapaligiran at pagtatanim tulad ng saging, mais at bakawan ng mga kabilang sa naturang programa.
Sumunod naman ay inihatid sa mga bayan ng Pitogo at Macalelon ang naturang programa sa pamamagitan ng kinatawan ni 3rd district Congw. Aleta Suarez na si KALIPI Quezon President Atty. Joanna Suarez at tinatayang nasa may higit dalawang daan na benepisyaryo ng TUPAD Program ang napagkalooban nito mula sa mga nabanggit na bayan.
Gayon din ay tumulak din si Atty. Joanna Suarez sa Bondoc Peninsula District Hospital upang ipamahagi naman ang mga ayudang relief goods para sa ating mga health workers sa naturang pagamutan.
Habang, kinabukasan ay nagtungo naman si Kalipi President Atty. Joanna Suarez sa bayan ng San Narciso Municiapl Hospital at San Francisco Municipal Hospital upang personal na pasalamatan ang mga magigiting na frontliners sa kanilang matapang na pagtugon sa kanilang mga serbisyo ngayong panahon ng pandemya at ipinagkaloob sa kanila ang mga relief food packs at ang balitang dagdag na benepisyo para sa mga healthcare workers gaya ng 25% risk allowance at raised of rates for job order nurses and medical staff.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda ng Lokal na Pamahalaan ng Lalawigan ng Quezon sa ating mga kababayan na apektado ng pandemya gayon din sa mga frontliners na lumalaban sa COVID-19.
No comments