By Rachel Joy Gabrido June 26, 2020 BAY, Laguna - Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pagsanjan at Bay na wala nang aktibong kaso n...
June 26, 2020
BAY, Laguna - Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pagsanjan at Bay na wala nang aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa kani-kanilang mga bayan noong Hunyo 24, 2020.
Sa opisyal na Facebook page ni Mayor Peter Trinidad ng bayan ng Pagsanjan ay malugod niyang ibinalita na COVID-free na ang kanilang bayan dahil gumaling na at nag-negatibo sa ikalawang pagkakataon ang kanilang Patient No. 6 na siyang natitirang kaso ng COVID-19 rito.
Ang nasabing pasyente ay mula sa Brgy. Pinagsanjan at nagta-trabaho umano bilang isang Seafarer.
Aniya maging ang mga nakasalamuha ng nasabing pasyente ay nag-negatibo rin nang sumailalim naman sa rapid testing.
Sa hiwalay namang pahayag ay nag-anunsyo ang lokal na pamahalaan ng Bay sa opisyal na Facebook page nito na muli ay wala nang kaso ng naturang sakit sa kanilang lokalidad.
Matatandaan na makalipas ang tatlong Linggong pagiging COVID-free ay nagkaroon muli ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Bay nitong ikalawang Linggo ng Hunyo, kung saan ang isa na tinaguriang Bay PX-17 mula sa Brgy. Paciano Rizal ay pumanaw na.
Ang huling pasyente naman na si Bay PX-18 mula sa Brgy. Sto. Domingo ang siyang inanunsyo kahapon na tuluyan nang nakarekober.
Sa ngayon, mayroon na lamang 16 suspected at wala nang probable case sa bayang ito.
Patuloy naman ang paalala sa mga mamamayan na sumunod pa rin sa mga minimum health standard na ipinatutupad ng pamahalaan upang manatiling ligtas mula sa COVID-19. (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments