By Quezon PIO June 15, 2020 Governor Danilo E. Suarez Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Danilo E. ...
June 15, 2020
Governor Danilo E. Suarez
Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez katuwang ang tanggapan ng Provincial Agriculture ng mga kagamitang pang sakahan.
Kung saan ay sinuyod ng pwersa ng Pamahalaang Panlalawigan ang Lungsod ng Tayabas at mga bayan ng Sariaya at Candelaria upang personal na ipamahagi sa iba't-ibang samahan ng mga magsasaka ang kanilang kahilingang mga agricultural inputs. Habang naipagkaloob sa iba't-ibang mga samahan ng magsasaka partikular ang Ibabang Alsam Farmers Association, Silangang Katigan Farmers Association, Barangay Talolong Farmers Association, Lalo Upland Agricultural Farmers Association, Ibabang Bukal Farmers Association, Samahang Industriya ng Cacao Pangkabuhayan mula sa Tayabas City ang hand tractor with trailer, cultivator at open source pump.
Gayon din ang naipamahagi naman ang floating tiller, multi-tiller at shallow tube well na handog para sa mga magsasaka mula sa bayan ng Sariaya na Tulo-Tulo farmers association, SIPAG Sariaya, Manggalang Tulo-Tulo, Manggalang Agrarian Reform Beneficiaries at Tumbaga I Bukal Irrigators Association.
Napagkalooban din ang samahan ng mga magsasaka mula sa Candelaria ng hand tractor with trailer, floating tiller, shallow tubewell at open source water pump na personal na ipinagkaloob ni Governor Suarez sa Kinatihan I Farmers Association, Masalukot 2 Farmers Association at Kinatihan 2 Farmers Association.
Sa naging mensahe ng Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez isa aniya sa kanyang adbokasiya ay ang food security at maging food basket ating Probinsya at ating rehiyon hangad din niya na mas maging produktibo ang sector ng pagsasaka sa tulong ng mga ipinagkaloob na kagamitang pang agrikultura at para palakasin ang hanay ng magsasaka.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang ginagawang programa ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga Quezonian tulad ng scholarship program, health coupon, Quezon First 1000 days of life at marami pang iba.
Sa ngayon ay layon ng ating Gobernador na makilala ang ikalawang distrito bilang industrialized district at mapanatili ang una,ikatlo at ika-apat na distrito bilang Agricultural district.
Patuloy pa rin ang panawagan na labanan ang COVID-19 sa ating Lalawigan. (Quezon - PIO)
No comments