Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DSWD nag-ulat ukol sa Mental Health programs at SAP updates

By Mamerta P. De Castro June 28, 2020 LUNGSOD NG BATANGAS - Patuloy ang isinasagawang koordinasyon ng Department of Social Welfare and D...

By Mamerta P. De Castro
June 28, 2020


LUNGSOD NG BATANGAS - Patuloy ang isinasagawang koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) upang bigyang-pansin ang mga isyung may kaugnayan sa mental health at diskriminasyon.

Sa Network Briefing na isinagawa ngayong araw, sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na sa bahagi ng kanilang ahensya, patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon upang tukuyin at bigyang solusyon ang mga problemang ito.





“Sa parte ng DSWD, meron kaming psycho-social intervention kung saan kapag nalaman naming kung sino ang pasyente, pinupuntahan namin ito at nagbibigay kami ng payo upang mabawasan ang problema sa mental health issue. Bukod dito, mayroon din kaming online psychosocial counselling kung saan may mga volunteer professionals na nagpapayo sa mga kailangan nito. Sa katunayan, umabot na sa mahigit 160 ang nag-avail ng online counselling na ito,” ani Bautista.

Ayon pa sa Kalihim, maaari din silang magbigay ng cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations kung saan pinupuntahan o tinatawagan ang isang tao upang kausapin at malaman ang problema niya. Kaakibat ng mental health issue yung problema sa pamilya, pinansyal o problema sa pagkain kaya kailangang makausap ang tao upang matukoy ang sanhi ng kanyang problema.





Samantala, binanggit din ng Kalihim na meron ding recovery program o livelihood assistance grant para sa mga talagang naapektuhan ng COVID-19 pandemic kung saan ang layon nito ay pangmatagalang solusyon. Nakasumite na ang budget sa Department of Budget and management (DBM) at hinihintay na lang ang kanilang katugunan.

Bukod pa dito, tuloy-tuloy din ang sustainable livelihood program na isa sa mga regular na programa ng DSWD kung saan tinutukoy ang benepisaryo at ang pagsasagawa ng phase management na magdedetermina ng uri ng kabuhayan na ipagkakaloob sa benepisaryo.





Nanawagan din si Bautista sa mga lokal na pamahalaan ng patuloy na suporta sa pagbibigay ng ayuda sa second tranche ng Social Amelioration program (SAP) dahil higit kanino ay sila ang nakakaalam ng mas magandang mekanismo upang mapabilis ang pagbibigay ng ayuda.

Sa kasalukuyan, namamahagi na ng second tranche ngunit inuuna muna ang mga waitlisted na hindi nakatanggap ng unang tranche. Dalawang uri ng pamamahagi ang gagawin, una ay ang direct payout at ikalawa ang digital payment. Inaasahang sa mga susunod na linggo ay mauumpisahan na ang pamimigay ng second tranche kapag nakuha na ng DSWD ang clean list.

Mayroong 1,336,635 family beneficiaries ng 4Ps at waitlisted family beneficiaries ang nabigyan na ng ayuda hanggang Hunyo 23 kabilang ang mga covered na waitlisted mula sa Region 1, CAR at Region 3 na nagkakahalaga ng P6,000,746,000 ang naipamahagi na. Sa ngayon mayroong 1,215 LGU’s sa kabuuang 1,528 ang nakapagsumite na ng liquidation report para sa pagpapatupad ng first tranche.

Sa isinagawang post validation ng mga DSWD field offices mayroong 51,563 recipients ng first tranche ng SAP ang may nakitang duplikasyon na nakatanggap din ng ayuda sa iba pang ahensya ng gobyerno. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.