Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

'Express Grab during the Pandemic,' inilunsad sa Alitagtag, Batangas

By Bhaby De Castro June 5, 2020 Express Grab during the Pandemic, ang pansamantalang libreng transportation service na inilunsad ng pamahala...

By Bhaby De Castro
June 5, 2020



'Express Grab during the Pandemic,' inilunsad sa Alitagtag, Batangas
Express Grab during the Pandemic, ang pansamantalang libreng transportation service na inilunsad ng pamahalaang bayan ng Alitagtag upang makapagkaloob ng access sa pampublikong transportasyon sa mga residente ng bayan. (Photo & caption: Bhaby De Castro)

LUNGSOD NG BATANGAS - Inilunsad ng pamahalaang lokal ng Alitagtag ang 'Express Grab during the Pandemic' kahapon, Hunyo 4, upang makapagbigay ng libreng access sa pampublikong transportasyon sa mga mamamayan sa kanilang bayan.

Ayon sa Facebook post ng Alitagtag Public Information Office, layon nitong matulungan ang mga taga-Alitagtag na kailangang pumunta sa mga bayan ng Lemery at Bauan upang mamili ng pangunahing pangangailangan. Ito ang pansamantalang solusyon ng lokal na pamahalaan na makatulong sa mga residente habang hindi pa normal ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan.



Bago nagkaroon ng COVID-19, karamihan sa mga taga-Alitagtag ay sa mga kalapit na bayan pumupunta upang mamili sa mga grocery stores, kumain sa fastfood chains at magsagawa ng bank transactions.

Kaugnay nito, 10 tao kada biyahe lamang ang maaaring makasakay upang mapanatili ang physical distancing.



Ang sinumang nagnanais at kwalipikado batay sa kautusan kaugnay ng general community quarantine na pumunta sa bayan ng Lemery ay kailangang magregister online sa mga sumusunod: https://tinyurl.com/1stTRIPLibrengSakay; https://tinyurl.com/2ndTRIPLibrengSakay
https://tinyurl.com/3rdTRIPLibrengSakay : https://tinyurl.com/4thTRIPLibrengSakay o tumawag sa 09237005947 upang mabigyan ng online ticket na siyang ipapakita sa driver upang makasakay. Ang station ng jeep ay matatagpuan sa harap ng munisipyo ng Alitagtag.

Para sa mga pupunta sa Lemery itinalagang pick up point ang Disaster Office sa mga susunod na oras: 1st trip- 5AM hanggang 7AM; 2nd trip-8AM hanggang 10AM; 3rd trip-11AM hanggang 1PM at 4th trip-2PM hanggang 4PM.

Sa mga magtutungo naman sa bayan ng Bauan, ang pick-up point ay sa Disaster Office din at tuloy-tuloy ang biyahe nito mula 6AM hanggang 3PM kung saan ang passenger ticket ay maaaring hingin sa nakatalagang Disaster Office personnel.

Ipinaalala din sa mga pasahero ang mga dapat dalhin at gawin tulad ng passenger ticket, pagsusuot ng face mask, physical distancing at regular na paghuhugas ng kamay. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.