By Carlo P. Gonzaga June 6, 2020 May 39 na mga interesado sa tilapia culture at mga farm owners ang lumahok sa kauna-unahang online training...
June 6, 2020
May 39 na mga interesado sa tilapia culture at mga farm owners ang lumahok sa kauna-unahang online training sa Fisheries Technology na isinagawa ng BFAR Region 4A. (Image from BFAR Region 4A FB Page)
LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna - Matagumpay na naisagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region-4A ang kauna-unahang online training sa Fisheries Technology na “Breeding and Culture of Tilapia” noong ika-27 ng Mayo 2020.
Ayon kay Maribeth H. Ramos, Chief, Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD) BFAR Region 4A, may 39 na mga interesado sa tilapia culture at mga farm owners ang lumahok sa pagsasanay na nagmula sa mga iba’t ibang bayan sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon at meron ding nagmula pa sa Occidental Mindoro at Quezon City.
"Ang mga lumahok sa pagsasanay ay pagkakalooban ng may 5,000 tilapia fingerlings bilang tulong sa kanilang pagsisimula. Ang first 5,000 fingerlings ay libre at kung kailangan nilang ng mas marami pa, ito ay may bayad na. Kailangan lang may written request sila," paliwanag ni Ramos.
Ayon pa kay Ramos, pagkatapos ng 4-5 buwan, magsasagawa sila ng impact evaluation sa mga lumahok sa pagsasanay upang malaman kung kanilang nagamit ang mga natutuhan sa online training.
Kabilang naman sa mga resource persons na nagbigay ng mga kaalaman tungkol sa tilapia sina BFAR 4A- Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD) Chief Gng. Josephine Dela Vega at Technical Staff Gng. Virginia D. Panisales.
Ang online training ay naisagawa ng BFAR-Region 4A sa pamamagitan ng RFTFCD at pakikipagtulungan sa Regional Fisheries Information Management Center (RFIMC) at FPSSD.
“Maraming marami pong salamat sa lahat ng naki-isa at lumahok sa aming programa gayundin sa mga resource speakers,” sabi ng BFAR Region 4A.
Samantala, dahil marami pa ang interesado at gustong lumahok sa libreng pagsasanay ng BFAR Region-4A RFTFCD at RFIMC, ito ay nagbukas ng karagdagang 30 slots para sa mga sumusunod na pagsasanay.
Organic Aquaculture – June 3, 2020 - https://docs.google.com/…/1FAIpQLSf68fhoGI7jMPHuJ…/viewform…; Training on Breeding and Culture of Freshwater Ornamental Fish – June 9, 2020 - https://docs.google.com/…/1FAIpQLSfsxHlFLJS2uhMhb…/viewform…; at Training on Aquaponics – June 17, 2020 - https://docs.google.com/…/1FAIpQLScXR_fWxgdoJVkHK…/viewform…
Narito naman ang mga devices na maaring magamit sa pagdownload ng application: Windows PC: https://akamaicdn.webex.com/…/WBXclient-40.4.7…/webexapp.msi; IOS Devices: https://itunes.apple.com/…/app/cisco-webex-meet…/id298844386; at Android Devices: https://play.google.com/store/apps/details…
Ayon pa sa BFAR Region 4A, hintayin lamang ang confirmation bilang kalahok sa pagsasanay sa pamamagitan ng isang email mula sabfar4a.rftfcd@gmail.com. (CPGonzaga, PIA-4A at ulat mula sa BFAR Region 4A FB Page)
No comments