Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LGU San Pablo muling nilimitahan ang access sa pampublikong pamilihan

By Rachel Joy Gabrido June 19, 2020 LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna  - Limitado na lamang muli ang access ng mga mamamayan ng Lungsod ng...

By Rachel Joy Gabrido
June 19, 2020




LGU San Pablo muling nilimitahan ang access sa pampublikong pamilihan


LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna  - Limitado na lamang muli ang access ng mga mamamayan ng Lungsod ng San Pablo sa mga pampublikong pamilihan gaya ng pamilihang bayan at malls bilang pag-iingat matapos magkaroon muli ng magkakasunod na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 2020-17 o “An Order Placing the San Pablo City Shopping Mall and Public Market Under a Limited Public Access due to Resurgence of CoViD-19 Positive Individuals in Certain Barangays of the City,” mayroon na muling schedule ang bawat barangay sa pamimili sa pampublikong pamilihan at maging sa mga shopping mall sa lungsod.



“Nito pong nakaraang tatlong Linggo ay zero COVID active case po ang ating lungso, subalit nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon naman po tayo ng three consecutive days na nagkaroon po tayo ng COVID case,” pahayag ni Mayor Loreto Amben Amante sa kanyang public address kahapon, Hunyo 14.

Kaya naman aniya kasama ang hakbangin sa paglilimita ng access sa mga pamilihan upang maiwasan ang mas madalas na paglabas ng mga mamamayan at mapigilan ang muling pagkalat ng nasabing virus.



Ayon sa Alkalde, kailangan lamang na magdala ng Barangay Certificate na libreng makukuha mula sa mga Punong Barangay at iba pang Opisyal ng kani-kanilang barangay na magsisilbing patunay ng pagiging lehitimong residente sa kanilang lugar.

Isa lamang rin aniya sa isang pamilya ang bibigyan ng naturang Barangay Certificate.





Dagdag pa ng Alkalde, pansamantala ring hindi pahihintulutan ang mga hindi residente ng lungsod na makapasok sa pamilihang bayan, maliban na lamang sa mga may-ari ng tindahan at mga empleyado ng mga ito.

Gayunpaman, dapat aniya silang magdala at magpakita ng Proof of Ownership at Certificate of Employment upang makapasok sa pamilihang bayan.

Iba pang paalala

Pinaalalahanan naman ni Mayor Amante ang lahat, lalo na ang mga mamamayang naobserbahan anilang hindi na sumusunod, na bawal pa rin ang lumabas nang walang suot na face mask saan mang bahagi ng lungsod hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Ito aniya ay may karampatan multa o kaya naman ay may community service na ipapataw sa mga lalabag batay na rin sa nauna nang City Ordinance na nag-rerequire sa mga mamamayan na ugaliin ang pagsusuot ng face mask.

Humingi ang Alkalde ng pang-unawa at tiniyak niya na bagaman mayroong kaakibat na inconvenience ang mga ipinatutupad na panuntunan sa lungsod, ang mga ito aniya ay para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan.

“Kung napagtagumpayan po natin na maging zero COVID case po ang lungsod ng San Pablo, tingin ko po ay mas lalong hindi po imposible po ngayon.”

“Dahil kung nagawa po natin iyan noong mga nakaraang buwan na hindi po tayo handa at bigla na lamang sumulpot iyang virus na iyan ay how much more pa po ngayon na napag-handaan na natin at alam na natin kung paano tayo makakaiwas,” paliwanag ng Alkalde.

Pinasubalian naman ni Mayor Amante ang kumakalat aniyang pekeng balita o fake news ukol sa muling pagpapatupad lockdown sa lungsod. Ito aniya ay walang katotohanan.

“Ugaliin lamang po nating maging vigilante, ugaliin lamang po natin na tayo ay mag-ingat dito sa virus na ito.”

Aniya gaya ng palaging ipinapaalala sa lahat, kung wala namang importanteng kadahilanan ay manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan. (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.