Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LGU San Pablo nag-abot tulong sa mga musikerong apektado ng pandemya

By Rachel Joy Gabrido June 14, 2020 Pamamahagi ng tig-iisang sako ng bigas para sa mga musikero ng Lungsod ng San Pablo. (Larawan mula sa CI...

By Rachel Joy Gabrido
June 14, 2020

LGU San Pablo nag-abot tulong sa mga musikerong apektado ng pandemya
Pamamahagi ng tig-iisang sako ng bigas para sa mga musikero ng Lungsod ng San Pablo. (Larawan mula sa CIO San Pablo)




LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna – Nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Lungsod ng San Pablo sa may kabuuang 86 na musikero sa lokalidad na apektado ng pandemyang COVID-19.

Bawat isang musikero o band performer ng naturang lungsod ay nakatanggap ng isang sakong bigas na katumbas ng 25 kilong bigas na malaking tulong sa mga ito sa panahon ngayon na wala silang pinagkakakitaan habang ipinagbabawal pa rin ang pagbubukas ng mga establisyamentong may kinalaman sa entertainment industry gaya ng mga bar at restaurant kung saan sila kadalasang nagtratrabaho.



Ayon sa pamahalaang lungsod, ang ipinamahaging bigas ay mula sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Kgg. Governor Ramil L. Hernandez.

Batay sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF, ang mga mass gathering tulad ng movie screening, concert, sports event, at iba pang entertainment activities, community assembly, at non-essential work gathering ay hindi pa rin pinahihintulutan sa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ.



Dahil sa naturang panuntunan, maraming mga mamamayan na ang pinagkakakitaan ay ang industriya ng local entertainment at mga event ang apektado ang kabuhayan hanggang sa kasalukuyan.

Kaya naman laking pasasalamat ng mga benepisyaryo ng naturang inisyatibo ng pamahalaang lokal at pamahalaang panlalawigan, at isa na rito si Meagen Reyes na residente ng Brgy. San Lucas I.

“Taos puso akong nagpapasalamat sa City Government of San Pablo and Provincial Government of Laguna. Ang laki pong tulong sa aming mga musikero ang kanilang donation.”

Aniya nakakataba ng puso na partikular na silang nasa industriya ng musika ay natulungan dahil hindi naman lingid sa lahat na ngayong may pandemya ay wala silang hanap-buhay.

Bukod aniya sa ayuda, kung maaari rin sana ay matulungan ang mga musikero na gaya niya na mabigyan ng pwedeng maging alternatibong trabaho habang hinihintay pa nila na mawala ang banta ng virus at mapayagan ang entertainment activities.

“Bukod sa pagiging musikero, may iba pa naman kaming kakayanan para kumita ng pera. Sana mabigyan kami ng hanap buhay para patuloy naming mapakain ang aming mga pamilya.”

Nagbigay naman siya ng paalala sa mga kasama niya sa industriya na apektado ng pandemyang COVID-19.

“Kapit lang po! Alam kong mabigat sa damdamin natin noong inannounce na lahat nang uri ng gig ay bawal na. Alam kong marami tayong nakaschedule na event na hindi natuloy. Mahirap man na di tayo kumita these past few months, thankful pa rin tayo sa blessings ni God. May gobyerno tayong tumutulong saten.”

Dagdag pa niya, malaki rin ang kanilang dapat ipasalamat dahil may mga tao ring nagpapaabot ng tulong sa pamamagitan ng Musikaramay San Pablo na isang proyektong fund-raising para sa mga musikero ng lungsod.

Nagpaalala rin si Reyes sa mga kapwa niya musikero na magtulungan at sumunod rin sa mga minimum health standard gaya ng paggamit ng face mask at pag-obserba ng social distancing na makakatulong para mas mabilis na matapos ang nararanasang pandemya at makabalik sila sa trabaho.

Patuloy naman ang aksyon ng pamahalaang lungsod ng San Pablo at ng pamahalaang panlalawigan upang matulungan ang lahat ng sektor ng lipunan. (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.