Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Liquor ban sa bayan ng Bay, patuloy na ipatutupad

By Rachel Joy Gabrido June 5, 2020 BAY, Laguna – Patuloy pa ring ipagbabawal ang pagbili at pag-inom ng alak at iba pang alcoholic beve...

By Rachel Joy Gabrido
June 5, 2020

Liquor ban sa bayan ng Bay, patuloy na ipatutupad



BAY, Laguna – Patuloy pa ring ipagbabawal ang pagbili at pag-inom ng alak at iba pang alcoholic beverage sa bayan ng Bay kahit sumailalim na ang lalawigan ng Laguna sa General Community Quarantine o GCQ ngayong Hunyo 1, 2020.

Idineklara ni Mayor Jose O. Padrid sa kanyang public address sa opisyal na Facebook page ng pamahalaang bayan noong Mayo 30 na hindi niya aalisin ang Liquor Ban sa bayan ng Bay kahit pa sumailalim na sa GCQ upang maiwasan ang anumang posibleng problemang maidulot ng pag-inom ng alak sa komunidad.



“Patuloy pa rin po ang liquor ban sa ating bayan. Bagama’t naisip ko na ito ay i-lift na pero napag-aralan ko po sa aking masusing pag-aaral na kung i-li-lift ko po ang liquor ban ay maaari po tayong magkaroon ng malaking problema,” pahayag ng Alkalde.

Aniya sa pag-aalis ng ban maaaring mag-umpisa ang mga posibleng pagkakaroon ng mga mass gathering, kaya naman humingi ang Alkalde ng pang-unawa dahil pinakamahalaga aniya ang siguruhin ang kapakanan ng nakakarami sa kabila ng pandemya.



Ipinunto ni Mayor Padrid na “sa krisis na ating hinaharap hindi po tayo dapat magkaroon ng temptasyon ang mga tao na unahin ang pagbili ng alak kaysa pagbili ng pagkain para sa pamilya.”

Maging ang pagsusugal ay ipinagbabawal pa rin aniya sa kanilang bayan.

Ayon sa Alkalde, hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring lumalabag sa mga panuntunan gaya ng pag-uumpukan sa kalsada, hindi pag-susuot ng face mask, at paglabag sa curfew.

Kaya naman hinamon nito ang mga mamamayan na ipakita na muna nila ang kinakailangang disiplina sa lahat ng alituntunin ng pamahalaang bayan upang sa mga darating na panahon, sakaling alisin na ang liquor ban ay masigurong mayroon na silang disiplina sa sarili.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng Alkalde na bagaman ilang araw nang walang aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa lokalidad at ibababa na sa GCQ mula sa MECQ ang community quarantine sa kanilang bayan ay patuloy pa rin ang mahigpit nitong pagpapatupad ng mga alituntunin ayon sa pamantayan ng Inter-Agency Task Force o IATF for COVID-19.

Mahigpit pa ring pinakikiusapan ang mga mamamayan na sumunod sa minimum health measures gaya ng social o physical distancing, madalas na paghuhugas at pag-disinfect ng mga kamay at pananatili sa tahanan kung hindi naman lubhang kinakailangan na lumabas.

Magkakaroon aniya ng Social Distance Patrollers na mag-iikot upang punahin ang mga hindi sumusunod sa social distancing protocol at pagsusuot ng face mask.

Binigyang-diin rin niya na mahigpit pa ring lilimitahan ang pagkilos at paglabas ng mga mamamayan na hindi kasali sa workforce na pinapayagan na sa ilalim ng GCQ.
Kung saan isang miyembro lamang ng pamilya ang maaaring lumabas upang bumili ng mga essential goods at services, at kailangan pa ring mayroon silang dalang Quarantine Pass at ID.

Samantala, ang mga workforce na pinayagan nang bumalik sa trabaho ay kailangan lamang ihanda ang company ID at updated na sertipikasyon mula sa employer bilang patunay na kasama sila sa workforce na kailangan nang pumasok sakaling harangin sila sa mga checkpoint o masita dahil sa curfew.

Nananatili pa ring nasa ilalim ng 24 oras na curfew ang bayan ng Bay kaya bawal pa rin aniyang lumabas ang mga hindi papasok sa trabaho at hindi bibili ng mga pangangailangan.

Ang mga industriya at establisyamento na maaari nang magbukas batay sa alituntunin ng IATF ay maaring magbukas mula ika-4 ng umaga hanggang ika-anim ng gabi kaakibat ng pagsunod sa minimum public health standard.

Ang pamilihang bayan naman ay bukas mula ika-4 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon.

Pareho pa rin aniya ang schedule ng paglabas ng mga barangay para mamili sa palengke na nahahati sa mga maaari lamang lumabas tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes (Barangay Dila, San Nicolas, San Agustin, San Antonio, San Isidro at Tagumpay); at ibang barangay na maaaring lumabas tuwing Martes, Huwebes at Sabado lamang (Barangay Puypuy, Paciano Rizal, Masaya, Tranca, Sta. Cruz, Bitin, Sto. Domingo, Maitim at Calo).

Para sa detalye ng mga panuntunan kaugay ng pagpapatupad ng GCQ sa bayan ng Bay ay maaaring bisitahin ang opisyal nitong FB page na Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay. (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.