Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Modified Q-pass system sa Cavite ipapatupad sa June 7

By Thiago Santos June 5, 2020 TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Inanunsyo ni Gobernador Jonvic Remulla noong Huwebes (June 4, 2020) ang mga guid...

By Thiago Santos
June 5, 2020



Modified Q-pass system sa Cavite ipapatupad sa June 7



TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Inanunsyo ni Gobernador Jonvic Remulla noong Huwebes (June 4, 2020) ang mga guidelines para sa Modified Q-pass system sa lalawigan na magkakabisa sa 5:00 ng umaga sa June 7, 2020.

Nilikha ito matapos ang konsulta at pag-apruba mula sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa ilang mga pagsasaayos sa kasalukuyang mga polisiya.



Kapag ito ay epektibo na, ang mga Quarantine pass ay maililipat sa iba pang kwalipikado, mga may edad na ligal na miyembro ng sambahayan na maaaring mangailangan ng isang Identification card para sa patunay ng pagiging kasapi sa nasabing sambahayan.

Hindi na kinakailangan ang mga travel passes sa paglalakbay sa mga lungsod sa loob ng Cavite habang ang mga nagtatrabaho sa NCR, mga empleyo/mga company ID ay maaaring sapat na. Gayundin, ang mga proof of medical, dental appointments lalo na sa lungsod ng Las Piñas ay kinakailangan para sa nasabing layunin dahil sa mahigpit na pag-momonitor sa mga bordern checkpoints.



Tulad ng regulasyon ng IATF, ang paglalakbay sa karatig na probinsya ay nangangailangan ng Travel Authorization/Pass with the exception of work/employment na nangangailangan lamang ng employment or mga company ID upang payagan na makapasok sa lalawigan.

Katulad nito, ang pagbabalik ng mga residente ng Cavite ay tatanggapin ngunit ang mga travel restriction para sa mga residente na may edad na 18-20 taon ay kailangang maghintay na ilipat ang Modified GCQ sa lalawigan.

Sa kabilang banda, ang mga regulasyon na matagal ng ipinatupad tulad ng curfew mula 8pm - 5am, at ang mga polisiya sa pag-ooperate ng mall ay nananatiling epektibo habang ang pamamahala ng IATF para sa 'Couples pass "ay hindi pa ipinagkaloob.

"Always keep in mind that 'Q' means quarantine. There is still COVID which is very much prevalent everywhere. Always keep safe. Always wash your hands. Always wear a face mask. Everyone is a COVID Suspect," pahayag ng governor. (may ulat mula sa official FB page of Gov. Jonvic Remulla)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.