Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

NCIP, namahagi ng face masks sa mga Badjao sa Lucena

By Ruel Orinday June 5, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ang National Commission on Indigenous People (NCIP)-CALABARZON ay namahagi ...


By Ruel Orinday
June 5, 2020


NCIP, namahagi ng face masks sa mga Badjao sa Lucena


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ang National Commission on Indigenous People (NCIP)-CALABARZON ay namahagi kamakailan ng may 1,200 piraso ng face masks sa Badjao communities sa barangay Dalahican at Barra sa lungsod na ito.

Ang pamamahagi ng face masks ay ginawa sa ilalim ng proyektong "Ngiti sa Likod ng Face Masks" na inisyatibo ng NCIP Regional Office kung saan ang face masks ay tinipon ng NCIP mula sa donasyon ng iba't-ibang pribadong indibidwal at grupo.



Tumulong sa pamamahagi ng face mask si dating Pinoy Big Brother housemate at Sahaya star Rita Gaviola na tinaguriang "Badjao Girl".

Ayon naman kay NCIP-Quezon Provincial Director Angelo Sallidao, ngayong panahon ng community quarantine ay aktibong nagsesrbisyo si Gaviola sa mga kapwa katutubo.

Layunin ng proyekto na hikayatin ang mga katutubo na sundin ang health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para sa paglaban sa COVID-19.

Samantala, nangako naman ang NCIP- CALABARZON na patuloy silang mamamahagi ng marami pang face masks sa IP communities. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.