Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, naghatid ng tulong sa General Nakar

By Ruel Orinday June 15, 2020 GENERAL NAKAR, Quezon - Naghatid ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa Barangay Umiray sa bayan...

By Ruel Orinday
June 15, 2020

GENERAL NAKAR, Quezon - Naghatid ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa Barangay Umiray sa bayang ito kamakailan sa kabila ng nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Quezon Public Information Office, kabilang sa mga dinalang ayuda ng pamahalaang panlalawigan sa nasabing barangay ay relief food packs, school supplies, mga gamot, vitamins, payong, jetmatic, mga kagamitan para sa mga tanod, alcohol at mga pananim.



Pinangunahan ni Executive Assistant-IV at Chief of Staff Jenny Suarez-Lopez ang pamamahagi ng tulong kasama sina Provincial Board Members Alona Obispo at Jerry Talaga at Executive Assistant II Tina Talavera.

Ayon pa sa Quezon PIO, sa kabila ng ibang mga aktibidad ni Gobernador Danilo Suarez, sinisiguro ng pamahalaang panlalawigan na maipaparating ang mga ayuda sa iba pang mga bayan sa kabila ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ) sa lalawigan.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang paggawa ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan upang maibsan ang nararanasang krisis at maipagpatuloy ang bagong normal na buhay.

Kasabay nito, idinaos din sa nasabing lugar ang general assembly ng samahan ng Luntiang Katipunero (LK) at Provincial Union of Leader Against Ilegalities (PULI) na katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapaabot ng serbisyo sa mga Quezonian. (Ruel Orinday-PIA-Quezon at ulat mula sa Quezon PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.