Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamamahagi ng kagamitang pangsakahan at pangisdaan, isinagawa sa mga bayan ng guinyangan at tagkawayan

By Quezon – PIO July 18, 2020 TAGKAWAYAN, Quezon - Isinagawa ang pamamahagi ng mga kagamitang pangsakahan at pangisdaan sa mga bayan n...

By Quezon – PIO
July 18, 2020




TAGKAWAYAN, Quezon - Isinagawa ang pamamahagi ng mga kagamitang pangsakahan at pangisdaan sa mga bayan ng Guinyangan at Tagkawayan nito lamang nakaraang araw ng Miyerkules, ika-15 sa buwan ng Hulyo kasabay nito ang pagtatapos ng mga mangingisda na sumailalim sa skills training on fibergalss boat fabrication katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaisa sa aktibidad na ito ay si Provincial Administrator/ Agriculturist Roberto Gajo, Chief of Staff Jenny Lopez-Suarez at DSWD Central Office-Information Officer IV Mr. Donards Kim Taňedo.





Kung saan sa bayan ng Guinyangan unang nagtungo ang Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez upang ipagkaloob sa iba’t-ibang samahan ng mga magsasaka at mangingisda ang mga bagong kagamitan at mga pananim na kanilang magagamit sa hanapbuhay. Kasunod ay agad tumulak ang ating Gobernador sa bayan ng Tagkawayan upang personal na ipamahagi ang mga agricultural inputs at fishing paraphernalia sa ating mga kababayan sa Tagkawayan. Ilan sa mga ipinamahagi ay knapsack sprayer, multi-tiller, grass cutter, hand tractor, complete fertilizer, cacao seedlings, coconut seedlings, set of copra making tools, bagong Bangka, materials for fishing cage, tilapia fingerlings, hp marine engine at marami pang ibang kagamitan.

Habang, taos puso naman ang pasasalamat ni Guinyangan Mayor Cesar Isaac III at Tagkawayan Mayor Luis Oscar Eleazar sa suporta at tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan. Gayon din kay Congw. Anna V. Suarez ng ALONA Partylist dahil sa karagdagang mga agri-fisheries input para sa bayan ng Tagkawayan.





Samantala, sa naging mensahe naman ng Ama ng ating Lalawigan kanyang siniguro na laging handa ang Provincial Government na maghatid ng suporta para sa ating mga kababayan at isa aniya sa daan ay ang komunikasyon upang iparating sa kanila ang kinakailangan na tulong ng ating mga kasamahang magsasaka at mangingisda sa Lalawigan.

Kasabay nito ay ibinahagi rin ni Governor Suarez ang nakatakdang inauguration ng MRI Facility sa susunod na buwan at ang CT Scan na nagagamit na rin sa ngayon maging ang pagpapalawak ng health coupon upang magamit na rin sa mga pribadong botika upang pambili ng gamot.

Sa kabila ng pandemya na nararanasan sa ating bansa at nagpapatuloy naman ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez sa kanyang mga programa upang masiguro na matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang Quezonian.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.