By Sentinel Times Staff July 10, 2020 RIZAL, Philippines - Ayon sa isang pahayag na nai-post ng lokal na pamahalaan sa Facebook nitong...
July 10, 2020
RIZAL, Philippines - Ayon sa isang pahayag na nai-post ng lokal na pamahalaan sa Facebook nitong Huwebes July 9, 2020, nakapagtala noong nakaraang linggo ang City Health Office (CHO) sa LogCom at Piña Alley sa Sitio Phase 4B, Brgy. de la Paz ng 1) local transmission at 2) ang case doubling rate ay less than one week. Ito aniya ang mga basehan o criteria bago payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mag enhanced community quarantine (ECQ) ang isang lugar.
Matapos maipaabot sa IATF, sabi ng lokal na pamahalaan pinayagan umano ang lalawigan ng Rizal na magpatupad simula sa July 11, 2020 ng 7-day ECQ kung saan magsasagawa ang CHO ng expanded and targeted testing sa nasabing lugar.
Ang magpo-positibo sa Rapid test ay dadalhin sa isang quarantine facilities kung saan sila mamamalagi habang hinihintay na mag negative ang PCR o swab test. Tulad ng mga nauna nang dinala sa mga fully furnished aircon na may TV at cable, at iba pa quarantine facilities, sagot lahat ang pagkain, gamot, toiletries at iba pang pangangailangan bukod pa sa magbabantay na doctor at nurse 24 oras.
Habang ECQ sa LogCom at Piña Alley sa Sitio Phase 4B, Brgy de la Paz sabi ng lokal na pamahalaan, bawal lumabas maliban sa mga authorized persons outside of residence (APOR) tulad ng mga frontliners, nag-ta-trabaho at mga may medical emergencies. Bibigyan ng food packs and bawat pamilya upang mabawasan ang dahilan para lumabas ng bahay.
Maglalagay din umano ng mga checkpoints ang PNP at barangay sa mga lagusan sa lugar at magtatalaga ng single entry at exit points upang malimitahan ang paggalaw habang na sa ECQ ang sitio phase 4B.
Magsagawa muli ng disinfection activity upang makatiyak na malinis at ligtas ang lugar.
No comments