By Ruel Orinday July 18, 2020 Quezon 4th District Engineering Office (DEO) Building GUMACA, Quezon - Itinalaga kamakailan bilang o...
July 18, 2020
Quezon 4th District Engineering Office (DEO) Building |
GUMACA, Quezon - Itinalaga kamakailan bilang officer-in-charge District Engineer sa Quezon 4th District Engineering Office (DEO) sa bayang ito si Engr. Gener Abergas kapalit ni outgoing District Engineer Cely Flancia na sumapit na sa mandatory retirement.
Pinamahalaan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) 4-A Regional Director Samson Hebra ang seremonya ng pagtatalaga ng OIC ng Quezon 4th DEO.
Si Flancia ay nakapagserbisyo sa DPWH sa loob ng 42 taon sa iba't-ibang lugar sa bansa na puno ng dedikasyon.
Sinabi ni Engr. Flancia na hindi niya magagawang mabuti na mag-isa lamang ang mga mabibigat na gawain ng opisina kung walang suporta ang kanyang mga kasamahan sa trabaho gayundin ang mga namumuno sa pamahalaan kagaya ni Kinatawan Helen Tan.
Pinayuhan din ni Flancia ang mga manggagawa sa Quezon 4th DEO na higit na pagbutihin ang trabaho at manatiling mapagkumbaba kahit tumaas pa ang posisyon.
"Nagpapasalamat ako sa kasipagang ipinamalas sa ni Engr. Flancia sa kanyang pagtupad sa tungkulin bilang district engineer sa loob ng anim na taon at umaasa akong ipagpapatuloy niya ito kahit wala na siya sa tungkulin", sabi naman ni Kinatawan Tan.
Sinabi naman ni DPWH Regional Director Hebra na ang Quezon 4th DEO ay maraming beses nang napabilang sa top 10 performing DEO sa buong bansa sa ilalim ng pamamahala ni Flancia.
"Pagpapatunay ito na sa kabila ng pagiging babae ay nagawa ni Engr. Flancia ang kanyang tungkulin na maayos", sabi pa ni Hebra
Samantala, itinalaga rin si Engr. Rodel O. Florido bilang incoming OIC Assistant District Engineer ng DWPH-4th District Engineering Office. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)
No comments