Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Benepisyaryo ng4Ps sa Santa Maria, Laguna nag-ambagan para makatulong

By Rachel Joy Gabrido July 11, 2020 Mga miyembro ng 4Ps at kawani ng MSWDO ng bayan ng Santa Maria kasama si Mayor Carolino. (Larawan ...

By Rachel Joy Gabrido
July 11, 2020


Benepisyaryo ng4Ps sa Santa Maria, Laguna nag-ambagan para makatulong
Mga miyembro ng 4Ps at kawani ng MSWDO ng bayan ng Santa Maria kasama si Mayor Carolino. (Larawan mula sa Mayor Cindy Carolino FB page)


BAY, Laguna – Bagaman mga salat rin ang katayuan, bukas-palad na nag-ambagan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa bayan ng Santa Maria, Laguna upang makakalap ng pondo na magagamit sa pagtulong sa kanilang mga kababayan.

Malugod na ibinalita ni Santa Maria Mayor Ma. Rocelle “Cindy” Carolino sa kanyang opisyal na Facebook page ang pagtutulungan ng mahigit 1,200 miyembro ng 4Ps sa kanilang bayan, kung saan nakaipon sila ng pondong nagkakahalagang P122,000.





“Dahil nga sila ay medyo tinutuligsa dahil sa mga ayudang sila ang unang nakakatanggap, nagisip sila ng magagawang para naman maiba ang tingin sa kanila. Kaya napag-kaisahan nila na mag boluntaryong ambagan. P100 per member noong kanilang pay-out,” sinabi ng Alkalde sa Philippine Information Agency (PIA) Calabarzon.



Benepisyaryo ng4Ps sa Santa Maria, Laguna nag-ambagan para makatulong
Pakikipagpulong ni Mayor Carolino sa mga miyembro ng 4Ps at kawani ng MSWDO ukol sa pamamahagi ng ayuda. (Larawan mula sa Mayor Cindy Carolino FB page)


Ayon kay Mayor Carolino, nalikom ang nasabing halaga sa pamamagitan ng pag-aambagan ng tig-P100 kada miyembro at ang kanilang nalikom ay naipambili nang may kabuuang 646 family food packs.

Naipamahagi na ang nasabing ayuda sa mga pamilyang hindi nakatanggap ng SAP at hindi nakatatanggap ng pensyon sa 25 mga barangay sa bayan ng Santa Maria sa pangunguna ni Municipal Link (ML) Michael Cinena at Parent Leader President na si Maritess Enalpe noong nakaraang ika-30 ng Hunyo.





Tumukoy sila ng 25 pamilya mula sa bawat barangay bilang benepisyaryo base sa nasabing kwalipikasyon.

Personal na inihatid ng mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng mga boluntaryong miyembro ng 4Ps ang mga food packs sa tahanan ng mga benepisyaryong napili.





“Napag-usapan po ng mga parent leader sa kanilang Group Chat na magkaroon sila ng bahagi na makatulong ngayong panahon ng COVID at ito na nga po ang kanilang naisip na isang paraan para makatulong, ang makabigay sila ng ayuda sa kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng ambagan ng lahat nang miyembro,” kwento ni ML Cinena.

Ganunpaman, nilinaw niya na hindi compulsory o sapilitan ang pag-aambag lalo na at hindi lingid sa kanilang kaalaman na may mga miyembro sila na kapos at may mga pinagdadaanang suliranin sa buhay.

Sinabi ni Cinena na bukod sa gusto talaga nilang makatulong sa kanilang mga kababayan ay nais rin nilang ipakita sa lahat na kabilang man sila sa poorest of the poor at umaasa rin sa ayuda ng gobyerno ay kaya rin naman nilang tumulong sa iba.

Paliwanag naman ng Presidente ng mga parent leader na si Enalpe, “Ang nagtulak po sa akin ay iyong (pagnanais na) maiangat po kaming mga miyembro ng Pantawid sa kabila po ng pangbabatikos sa amin ng ibang tao na puro kami na lamang po ang priority lagi ng gobyerno.”

Aniyanais nilang ipakita na kahit sa mahirap rin nilang katayuan sa buhay ay handa silang tumulong sa kanilang kababayan sa oras ng ganitong sitwasyon.

“Kaming mga miyembro po ng Pantawid ay handang tumulong sa oras rin po ng kagipitan sa ating bayan,” saad nito.

Dahil sa mabuting gawain na ito ay kinilala ng lokal na pamahalaang ng Santa Maria at pinasalamatan ang mga miyembro ng 4Ps sa lokalidad.

Nagpahayag si Mayor Carolino sa kanyang opisyal na Facebook page kung gaano niya ipinagmamalaki ang mga miyembro ng 4Ps sa kanilang bayan. (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.