By Kier Gideon Paolo M. Gapayao July 2, 2020 LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal - COVID-free ang City Mall of Antipolo (CMA) matapos magsagaw...
July 2, 2020
LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal - COVID-free ang City Mall of Antipolo (CMA) matapos magsagawa ng expanded and targeted testing ang higit sa 700 vendors noong Hunyo 23.
Sumailalim sa Rapid Test ang mga vendors at 19 sa kanila ay nagkaroon ng positive results kaya kinailangan magsagawa ng PCR confirmatory test.
Lumabas na negatibo ang lahat ng resulta kaya nananatiling COVID-free ang CMA taliwas sa kumalat na fake news.
Nananawagan naman ang pamahalaang panglungsod sa mga pribadong palengke at pamilihan na tulungan ang kanilang mga tenants at mga trabahador na maipasuri sa COVID.
Maari ring ipagbigay-alam sa LGU kung walang pang-gastos ang landlords para sa mga tenants.
Nakapagsagawa na ang local city health office ng humigit kumulang 15,000 COVID-19 tests (parehong rapid at RT-PCR) sa buong lungsod na higit sa target na 1% lang ng buong population (8,000) base sa international standards.
Dagdag ng Pamahalaang Panglungsod ay maaring tumawag ang mga mamamayang nais magpasuri at magpakonsulta sa 24/7 Antipolo City COVID-19 Hotlines: 86970362 / 09513359277 / 09277824262 / 09230816037 / 09165344707.
Pagbabalik ng Barangay Coding
Simula naman Hulyo 2 ay pumayag ang IATF na muling magpatupad ng barangay coding sa mga sa mga wet markets sa buong lungsod bilang mas mahigpit na pagpapatupad ng precautionary measures tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mark sa mga palengke.
Maituturing umanong high risk areas ang mga pamilihan dahil sa dami ng mga mamimili.
Ngunit ayon sa IATF guidelines, wet markets lamang ang sakop ng Barangay Coding maliba na lamang kung ang management ng pamilihan ang magpapatupad ng sariling patakaran.
Tuwing Lunes at Huwebes Maaring mamili sa wet markets ang mga taga-Barangay Cupang, Sta. Cruz, Calawis, San Roque, San Luis at Inarawan; sa Martes at Biyernes naman maaring mamili ang mga taga Bagong Nayon, Muntindilaw, San Isidro, Beverly Hills, Mayamot at Dalig habang Miyerkules at Sabado maaring mamili ang mga taga- Dela Paz, Mambugan, San Juan at San Jose.
Ang mga taga-Barangay. Cupang naman ay susunod pa rin sa "sitio coding scheme" para sa mga palengke at talipapa sa loob ng barangay. (PIA-Rizal may ulat mula sa Antipolo City Government Facebook Page)
No comments