By Thiago Santos July 2, 2020 Laguna Gov. Ramil Hernandez (Photo from Vice Governor Karen Agapay FB Page) CALAMBA CITY, Laguna - ...
July 2, 2020
Laguna Gov. Ramil Hernandez (Photo from Vice Governor Karen Agapay FB Page) |
CALAMBA CITY, Laguna - Laguna Gov. Ramil Hernandez was pleased to announce that the Department of Health ( DOH) has granted a license to the Laguna Molecular Laboratory to operate in the San Pablo City District Hospital and two other laboratories in Laguna.
"Kasabay po ng ating Laguna Molecular Laboratory ay nabigyan na rin ng license to operate ang UPLB Covid 19 Molecular Laboratory, at ang Qualimed Health Network Santa Rosa. Samantalang may tatlo pang malapit na ring magbukas, ang Santa Rosa City Health Office, Calamba Medical Center, at ang San Pablo Colleges Medical Center," statement of Gov. Hernandez in his FB post yesterday.
According to the Governor, during the pandemic, there was a time for them to almost make the day a night just to finish the crucial lab.
"Halos dumaan din tayo sa butas ng karayom para lang makapasa o makasunod sa mataas na panuntunan ng DOH na walang hangad kundi ang maging ligtas at epektibo ang ating laboratoryo, sa wakas ay nabigyan na po tayo ng License to Operate mula sa Department of Health," the Governor stated.
The Gobernor also added, "Dahil dito mas mabilis na po tayong makakakuha ng mga resulta sa ating testing center. Napakaimportante po ng natipid nating oras at gastos dulot ng pagsisikap nating magkaroon ng ganitong modernong pasilidad na kauna-unahang molecular laboratory sa mga provincial hospital sa buong CALABARZON na may kakayahang sumuri hindi lamang sa corona virus ngunit maaari pang magamit sa marami pang uri ng sakit at pagsusuri."
"Maraming salamat po sa ating Panginoon sa pagtaas ng kakayahan ng buong lalawigan ng Laguna na makapagsagawa ng mga laboratory test na lubos na kinakailangan natin sa panahong ito," said Gov. Hernandez.
Samantala, kinumusta ni Gov. Hernandez ang mga lolo at lola sa lalawigan sa pamamagitan ng FB post at pinayuhang Stay At Home lamang dapat ang mga 60 years old pataas, bantayan at pangalagaan ang kanilang kalusugan at huwag mababalisa at malungkot dahil lilipas din ang pandemyang ito.
Meanwhile, through the FB post, Gov. Hernandez is aware of the condition of the grandparents in the province and has advised them to stay at home the 60 years old and above, watch over and take care of their health and not be nervous and sad as this pandemic will also pass away.
"Alam ko po na sa mga mahirap na sitwasyon gaya nito, hindi maiiwasang mag-alala kayo para sa inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Ngunit huwag po kayo masyadong magpakabalisa at malungkot. Malalampasan po natin ang lahat ng ito sa awa ng Diyos. Sa ngayon po, ang mahalaga ay mabantayan at mapangalaagan ang inyong kalusugan. Manatili po sa inyong mga tahanan at hanggang maaari ay huwag lumabas dahil higit po ang banta ng sakit sa mga nakatatanda," said Gov. Hernandez for the senior citizens of the province.
In the latest COVID 19 update of the provincial government of Laguna, there are a total of 827 COVID 19 confirmed cases in the province, 527 recoveries, 53 deaths, and 247 active cases as of 3PM as of June 30, 2020. (with reports from CPGonzaga and FB Page of Laguna Gov. Ramil Hernandez)
No comments