Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Iba sa General Luna

Ni San Ka Bad? Juy 24, 2020 Magmahal ka ng taga General Luna, Quezon puso mo ay sisigla Naggagandahang mga hitsura pagkataong mapapa...

Ni San Ka Bad?
Juy 24, 2020


Iba sa General Luna


Magmahal ka ng taga General Luna, Quezon puso mo ay sisigla
Naggagandahang mga hitsura pagkataong mapapaPuso ka
Lugar na babalik-balikan mo dahil sa sobrang saya
Dito ang pag-aaruga ay hindi sakto dahil laging may pasobra(San Ka Pa?)

Kung ang hanap mo ay isdang sariwa may daungan sa Brgy. Uno
Kasag, sugpo, hipon at alimango sa Dulo(han) Brgy. Otso
Di ka na sasakay ng bangka, sarap ng lamang dagat pwede mo na agad makuha
Makakatikim ka ng sobra, dahil sa kanilang mga SILA pag taga dito ang iyong jinowa





Ikaw ba ay natatamad magkaliskis at sa lansa ay naiinis, mga meryenda naman ang nais?
Wag kang mag alala anjan ang mga taga Brgy. Dos at Tres
May magandang kutis at intesyon na sobrang linis
Mamahalin ka ng labis at hinding hindi lilihis

Sa mga mamimili naman, punta na sa palengke ng Brgy. Cuatro
Dito ang mga tao ay pipiliin ka hanggang dulo
Sa simbahan kayo malamang didiretso
At ihaharap sa altar ni Poong San Ignacio





Kung ang nais mo ay mahilig sa selfie
Punta ka sa Brgy. Singko dito ay bubuuhin ang bawat litrato at imahe
Gawing pwesto ang parola, at tamang upo sa baywalk kasama ang iyong Baby.
Malamang di lang litrato ang mabubuo niyo , pati narin magandang lahi

Kulang ka ba sa energy?
Sa Brgy. Sais dun ka pumirme
Energy drink, vitamins, panghilot at gamot ikaw ay ililibre
Aalagaan ng swabe, para more energy, ikaw ay magiging super happy





Aba ay halika na sa Brgy. Siyete!
Andun ang mapagmahal naming yorme.
Ang tunay na may puso para sa nakararami
Di ka malulugi kung ikaw ang kanyang sinisintang binibini.

Baka bet mo ang hindi layas at hindi lumalabas ng gabi
Parini sa amin dini sa Brgy. Nueve
Araw gabi nais kang makatabi
Sa kahit na sino ikaw ay ipag mamalaki

Hindi ba at ayaw naman natin sa mga sumasalisi
Biyahe na patungong San Jose at San Vicente
(Sitio)Malalim na pag tingin, ipaparada(Sitio) ka san mo man naisin
Iyong lambing, pag ibig at pag tingin ay di sasayangin

Hilo ka na ba sa katangian ng mga taga General Luna?
Tara sama ka sa San Isidro Ibaba - (Heluna)
Dito ay walang lokoha't uunahin ka sa lahat
Sayo ay ipadadama ang tunay na kahulugan ng salitang Tapat.

Alam ko pinagdasal mo na sa maraning Santo na dumating siya
Pero ang ending wala parin, punta ka na kasi ng Sta. Maria
Ikaw ay bubusugin sa iba't ibang kakanin kalamay , suman tikoy at budin
Kung anong lagkit na sa iyo ay ipapakain, mas malagkit ang pagsasama na inyong raranasin

Wala pa ba? Baka naman na sa San Nicolas at Sumilang
Mga Generalunahing tunay na magagalang
Sa Spill Way di ka paaanurin at paglalakarin
Pilit ka pang papasanin wag lang maputikan ang iyong sapin.

At kung sadyang wala pa rin, tara na sa Lavides(Love is This)
Mag mamamayan dito ay di ka matitiis
Mga hindi nag yayabang at nagmamalabis.
Ipapakita sayo ang lahat ng kanilang Best.

Baka naman nauummay ka na?
Tara alamin ang tamis ng Villarica at Nieva
Pinya nila'y labis sa sustansya, sa lasa dika madidismaya
Walang asim at pait, parang pagkatao nila.

Hindi kaya mananayaw ang hanap mo ?
Akyatin natin ang RecTodo-Todo
Budots, cha-cha at zumba tunay na kanilang habit
5,6,7,8 ikaw ay di ipapagpalit.

Tila naguguluhan ka na ata
Paano pa kaya kung makita at makilala mo na ang mga taga Malaya
Sa kanilang ugali at ganda baka ikaw ay matulala
Huwag mag alala, ikay mamahalin nila mula simula hanggang sa pag tanda.

Akyatin mo na din ang Magsaysay
Masipag, maabyad, masinop na tunay
Alam lahat ng gawaing bahay
Buong pagkatao sayo iaalay

Wag mong tatangihan ang mga taga Bacong
Ibaba at ilaya makakasama mo sa pagsulong
Wala ang salitang pagsuko at pag-urong
Ipaglalaban ka san man kayo madala ng daluyong.

Mga atleta naman ang meron kami sa San Isidro Ilaya
Huwag matakot, huwag mag alala di kanila gagawing panabla
Wala ang sistema ng pandaraya
Hindi ka din hahayaang mapapunta sa kabila

Ngayon nakilala mo na ang mga taga General Luna
Daan ka ng san Ignacio Ibaba
Diresto na sa San Ignacio Ilaya
Dun mag dasal at magpasalamat
Dahil sa General Luna MAY PUSONG TAPAT.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.