By LA Dollete July 24, 2020 Pangulong Rodrigo Duterte (Photo from Business Insider) Sa darating na Lunes, July 27,2020 ay isasagaw...
July 24, 2020
Pangulong Rodrigo Duterte (Photo from Business Insider) |
Sa darating na Lunes, July 27,2020 ay isasagawa ang taunang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ika-limang SONA ng pangulo na gaganapin sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon na muling pamumunuan sa ikatlong pagkakataon ng batikang direktor na si Bb. Joyce Bernal.
Maliban sa dating Presidente na si Elpidio Quirino kung saan nagpahayag ng kanyang SONA sa pamamagitan ng radio broadcast habang nasa ospital ng Estados Unidos noong 1950, ang ika-limang SONA ng kasalukuyang pangulo ay gagamit rin ng kaparehong pamamaraan ngunit sa pamamagitan ng makabagong instrumento sa broadcasting tulad ng social media, itinuturing rin ito na pinaka simple at may pinaka-konting taga-dalo sa historya ng Pilipinas.
Taliwas naman sa nakasanayan ay hindi muna papayagan ang mga ambush interview o media briefing pagkatapos ng SONA at magkakaroon lamang ito ng limampung (50) taga-dalo mula sa kongreso na inaasahang sasailalim muna sa RT-PCR test at rapid test para sa seguridad ng lahat.
Ang State of the Nation Address ay isang konstitusyonal na obligasyon at taunang tradisyon ng isang bansa kung saan ang nakakataas na pinuno ay magbabahagi ng mga nagawa at napagtagumpayan ng bansa sa lumipas na isang taon at paghahain ng panibagong plano at resolusyon para sa susunod na taon.
Ito ang kadalasang araw ng taon kung saan inilalapit ng mga tao ang saloobin nito sa kasalukuyang administrasyon at ang araw ng pagbibigay linaw ng pangulo sa ilang hinaing ng masa. At dahil ang SONA ay kadalasang dinudumog ng mga protestante, noong July 20 ay nagpaalala na si Police Chief Archie Gamboa na gawin na lamang ang protesta online. Sa kaparehong araw, idinagdag rin ni presidential spokesperson Harry Roque na mas mainam sa kaligtasan ng bawat isa kung gagawin ang protesta sa kanya-kanyang tahanan.
Ang tradisyunal na protestang isinasagawa sa mga kalsada ay mahigpit munang ipagbabawal dahil kinakailangan pa rin ang pagsunod sa mga quarantine protocols. Wala pang binabanggit ang PNP sa kung paano sila reresponde sa mga posibleng protestante. Samantala, nanghikayat naman ang mga aktibista sa publiko na mag protesta at manalangin para sa hustisya at kapayapaan ng bansa. Magsasagawa ng misa si Bishop Broderick Pabillo sa July 27, ilang oras bago ang ika-limang SONA.
Maliban naman sa mga hinaing ng mga protestante, hinihintay din ng lahat ang magiging plano ng Pangulo para sa susunod na labing dalawang buwan ng termino lalo na't sumasailalim sa matinding pagsubok ang ating bansa, gaya na lamang ni Senate Minority Leader Franklin Drilon. Noong July 21 sinabi ng senador sa isang press release na umaasa siya ng isang komprehensibong plano para sa pandemya na kinakaharap ng bansa. Dagdag rin nya, hindi daw naging sapat ang naging pagtugon ng IATF sa pandemya kung kaya't kasagutan at plano ang hiling ng senador para sa paparating na SONA ng pangulo.
Sa kabilang banda, umabot na sa 5 milyon ang bilang ng mga pilipinong nawalan ng trabaho, 5.2 milyon ang mga walang makain o nagugutom, at karagdagang bilang ng mga nagsaradong maliliit na negosyo na nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya. Ang tugon sa nasabing problema ay isa rin sa pinakahihintay ng publiko sa araw ng lunes. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang preparasyon at paghahanda ng palasyo para sa nalalapit na pagtitipon.
No comments