Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilog Iyam sa Cotta tinatapunan ng mabahong kemikal

By Jay Silva - Lim July 6, 2020 Drone Shots Iyam River and JNJ Oleochemical Enterprise at Brgy. Cotta, Lucena City, June 30, 2020 (Pho...

By Jay Silva - Lim
July 6, 2020


Ilog Iyam sa Cotta tinatapunan ng mabahong kemikal
Drone Shots Iyam River and JNJ Oleochemical Enterprise at Brgy. Cotta, Lucena City, June 30, 2020 (Photo by Danny Villareal Ordoñez)



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Masasabing maari nating ipagmalaki ang kasaysayan at kagandahan ng ilog Iyam sa may Barangay Cotta, Lungsod ng Lucena kung saan matatanaw mo ang bughaw na bundok Banahaw at ang Tayabas bay. Subalit noong nakaraang Hunyo 27 ng gabi habang kasagsagan ng ulan ilang araw na ang nakakaraan, diumano ay nagtapon na naman ang JNJ Oleochemical Incorporated ng mabaho at kulay kalawang na kemikal derekta sa Ilog Iyam sa Brgy. Cotta, Lungsod ng Lucena.

Ang JNJ Oleochemicals Incorporated ayon sa kay Jimmy Estrellado na mismong nakatira malapit sa JNJ at sa tabing ilog ng Iyam “nakakasulasok po at sumasakit ang aming ulo at tiyan sa mabahong amoy ng kemikal, basta po bumabaha at malakas ang ulan nagpapakawala po sila ng mga kemikal nay an. Ilang beses na rin po naming sinusumbong yan sa aming barangay officials at DENR wala po nangyayari, mukha pong malakas yata ang may ari ng pabrikang yan sa mga awtoridad kaya di nila inaaksyunan ang aming sumbong…mahirap at maliit laang yata po kase kami kaya siguro po ganon. Ang nakakalungkot po yong tinatanim naming mangroves po dito namamatay dahil sa pagtatapon nila ng kemikal na yan”





Sinubukan ng Kasama ng Kalikasan na kausapin ang mismong JNJ subalit wala kaming makausap sa mismong planta, kaya sakay ng bangkang dimotor minabuti naming tingnan ang mismong pinanggagalingan ng kulay kalawang at mabahong kemikal na ayon sa mga nakasaksing residente ay nagmumula sa JNJ. Narating naming ang lugar at nakita namin mismong nakaderekta sa gilid ng ilog ng iyam ang culvert pipe na nagmumula sa JNJ na may lumalabas pang kulay kalawang at mabahong kemikal.

Drone Shots Iyam River and JNJ Oleochemical Enterprise at Brgy. Cotta, Lucena City, June 30, 2020 (Photo by Danny Villareal Ordoñez)

Nakapanayam naman namin si Christopher Nanong boat operator na taga Sitio Valintin, Brgy. Cotta, Lucena City at ayon sa kanya. “Sobra pong baho ang kemikal na tinapon nila dito noong malakas ulan nakakapa inglis po sa sobrang baho.”

Nakunan ni Christopher ng video at larawan ang nasabing pangyayari at na ipost nya ito sa kanyang facebook upang manawagan sa kinauukulan noong nakaraang taon kung saan mabaho at kulay puti ang kimikal na diumano ay tinapon ng JNJ sa Ilog Iyam. Kung saan nanawagan si Cristopher sa kinauukulan subalit ayon sa kanya “wala naman po nangyayari dahil ang DENR po ay din naman dumarating sa aktuwal na mismong may mga kemikal na tinatapon…dumarating po sila pag clear na o malinis na saka po sila kukuha ng sample kaya po lagging negatibo pag pinatitest nila. Parang gusto na po naming maniwala na magkakasabwat naman sila mula sa barangay namin at ang DENR saka ang JNJ management dahil kung wala sila sabwatan hindi lalakas ang loob ng JNJ na yang magtapon ng kemikal sa ilog na nakakasira sa Kalikasan at nakakalason sa mga isda.”Nakunan din at na ipost ni Cristopher ang pagtatapon ng kulay kalawang at mabahong kalawang noong Hunyo 28.





Ayon naman kay Fr. Warren Puno “sa pagkakaalam ko po batay po sa Republic Act 9275 na kilala bilang Philippine Clean Water Act 2004 layunin nitong pangalagaan at protektahan ang katubigan ng bansang Pilipinas laban sa polusyon mula sa mga industries, commercial establishments, agriculture, community at household activities. Subalit nakakalungkot po na patuloy pa ring nangyayari ang ganitong sitwasyon sa mga pamayanan sa kasalukuyan tulad ng Brgy. Cotta, Lucena City.” Ang usapin pong ito ay naihayin na sa mismong ginanap na Ecological Summit na isinagawa noon lang pong isang taon buwan ng Oktubre, 2019 sa pangunguna ng Quezon for Environment o QueEN, Ministry of Ecology Diocese ng Lucena, Social Action Center ng Diocese of Gumaca, Kapatiran at Alyansang Alay sa Kaunlaran ng Bayan o KAAKBAY-Quezon na dinaluhan ng mahigit na isang libong mamamayan mula sa ibat-ibang panig ng lalawigan ng Quezon. Dinala na po natin sa kinauukulan ang usaping ito at mukhang di naman nila ginawa ang kanilang assignment lalo na po ang lokal na pamahalaan pambarangay, pang lungsod at panlalawigan.”

Sinubukan din nating makuha ang panig ang Department of Environment and Natural Resources o DENR habang ginagawa ang balitang ito, subalit walang sumasagot sa telepono ng kanilang tanggapan.

Inaasahan natin magkakaroon na ng kalinawan at kongkretong aksyon ang kinuukulan ayon sa batas ang mga isyung nabanggit para kabutihan ng mamamayan at Kalikasan sa Brgy. Cotta, Lungsod ng Lucena.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.