Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga kagamitang pang-agrikultura, ipinamahagi sa mga magsasaka sa ika-4 na distrito

By Quezon - PIO July 4, 2020 Patuloy din po tayong namahagi ngayong araw ng mga farm machineries and equipment kasama ang mga pananani...

By Quezon - PIO
July 4, 2020


Patuloy din po tayong namahagi ngayong araw ng mga farm machineries and equipment kasama ang mga panananim sa bayan ng Lopez katuwang sina Vice Governor Sam Nantes, BM Rhodora Tan, Provincial Administrator /Agriculturist Roberto Gajo, EAIV Jenny S. Lopez at Sangguniang Bayan kasama sina Vice Mayor Adelaine A. Lee, Konsehal Ari Yumul, Konsehal Arkie Yulde at Konsehal Albinio Arit Jr. Ito ay dahil sa layunin na patuloy at higit pang mapalakas ng sektor ng sakahan sa naturang bayan.


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pagbubukas ng buwan ng Hulyo ay tuloy-tuloy ang isinasagawang programa ng Pamahalaang Panlalawigan partikular ang tanggapan ng Agrikultura kung saan ay ipinamahagi ang ilang mga kagamitang pansakahan sa ilang mga samahan ng mga magsasaka sa tatlong bayan ng ika-apat na distrito.

Kung kaya unang tumulak ang Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, Board Member Rhodora Tan, Provincial Administrator/Agriculturist Roberto Gajo, Chief of Staff Jenny Suarez-Lopez at Executive Assistant III Roger Panganiban sa mga bayan ng Calauag at Lopez upang personal na ipagkaloob ang ilang mga agricultural inputs and farm machineries gaya ng hand tractor, rice thresher, power sprayer, multi-purpose shredder at marami pang iba sa iba’t-ibang mga grupo ng farmers kasabay nito ay namahagi rin ng mga pananim para sa mga magsasaka.





Habang ilan sa mga napagkalooban ng mga naturang kagamitan mula sa Calauag ay ang Samahan ng Magsasaka ng Barangay Apad-Quezon, Samahan ng Magsasaka Nagpapaunlad sa Ilalim ng Niyugan (KAANIB), Samahan ng Magsasaka ng Villa San Isidro, SIPAG- CALAUAG, Calauag Calamansi Growers Association, Samahan ng Magmamais ng Kigtan at Calauag Seaweed Farmers Federation.

Inihandog naman ang iba pang kagamitang pansaka sa mga samahan ng magsasaka mula sa bayan ng Lopez tulad ng Bgry. Sta. Teresa Farmers Association, Buenavista Farmers Association, Farmers Association ng Banabahin Ibaba, Lopez Federation of Farmers Association, Kalipunan ng mga Magniniyog ng Lopez, Samahan ng Magsasaka ng Brgy. Villageda, SIPAG- Lopez, Samahan ng Magtatanim ng Mais sa Lopez at Cacao Growers Association of Lopez .





Sunod naman ay nagtungo ang pwersa ng Provincial Government sa bayan ng Gumaca at dito ay ipinagkaloob sa mga magsasaka at mangingisda ang ilang mga kagamitang kanilang magagamit sa kanilang hanap-buhay upang mas mapayabong ang kanilang pagsasaka at pangingisda sa kanilang bayan.

Ilan na mga naging benepisyaryo ay ang Mabunga Farmers Association, Samahan ng Magpapalay ng Brgy. Casasahan Ibaba, San Vicente Farmers Association, Cawayan Farmers Association, Samahang Magsasaka ng Panikihan, SICAP-Gumaca, Mango Growers Association, Rice Growers Federation of Gumaca, Malayang Aniban Sa Ika-uunlad ng Sakahan (MAIS), Banana Growers Association, Gumaca Herbal Growers Association at SAMAHAN NG MALILIIT NA MANGINGISDA NG BRGY. INACLAGAN.

Samantala, sa kabila ng ating nararanasang pandemya ay nagpapatuloy naman ang mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ating mga kababayang Quezonian.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.