By Quezon – PIO July 23, 2020 Flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Quezon Governor Danilo Suarez at ng ...
July 23, 2020
Flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Quezon Governor Danilo Suarez at ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC)(Photo by Quezon – PIO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ginunita sa isinagawang flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ang National Disaster Resilience Month na may temang “Sama-samang Pagsulong tungo sa Katatagan sa Gitna ng Bagong Normal”.
Kasabay nito ay ipinamahagi rin ang certificate of appreciation at medical kits para sa mga nakatuwang ng tanggapan ng PDRRM sa COVID-19 operation kaisa ang bawat indibidwal mula sa iba’t-ibang opisina ng Provincial Government, mga Nasyunal na ahensya at Law enforcement offices.
Habang ipinagkaloob naman sa bawat gusali ng Kapitolyo ang isang wheel chair at spine board na maaaring magamit kung sakaling mayroong di inaasahang pangyayari at high frequency radio para sa mga bayan ng Jomalig, San Andres, Tagkawayan, at Infanta na malalayong mga lugar at kailangan ng malakas na signal na agad maaabot sa panahon ng may emergency situation.
Gayon din sa naging mensahe naman ni G. Christopher Antona na kumatawan kay Dr. Melchor Avenilla, Jr. ang Head ng PDRRM na kanila aniyang lubos na ipinaaabot ang taos pusong pasasalamat para sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan lalo na kay Governor Danilo E. Suarez dahil sa walang sawang suporta sa kanilang tanggapan lalo na sa paglaban sa COVID-19.
Bago magtapos ang naturang aktibidad ay nagbigay naman ng kanyang mensahe ang Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez kaugnay sa mga plano para sa bawat distrito sa ating Probinsya katuwang si 2nd district Cong. David “Jay-jay” Suarez at maging ang plano ng muling paghihigpit ng implimentasyon ng checkpoint at quarantine dahil sa patuloy na pagdagdag ng bilang ng mga kompirmadong kaso ng COVID-19 sa ating Lalawigan.
Samantala, matapos ang flag raising ay isinagawa rin ang blessing at turn-over ng mga rescue vehicles at ambulance para sa tanggapan ng PPDRRMO.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ating mga kababayan sa gitna ng pandemyang ating nararanasan.
No comments